HIGIT NANG MAPAG-IIBAYO NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE-NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE ANG KAMPANYA LABAN SA MASASAMANG LOOB.
ITO’Y MAKARAANG MAKATANGGAP ANG AHENSYA NG TATLONG MILYON AT ANIM NA RAANG PISONG DONASYON MULA SA PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION O PAGCOR PARA SA PAGBILI NG MGA MOTORSIKLO.
PERSONAL NA INIABOT NI PAGCOR CHAIRMAN AND CEO ANDREA DOMINGO ANG NASABING DONASYON KAY PNP-NCRPO DIRECTOR OSCAR ALBAYALDE SA ISANG SIMPLENG TURNOVER CEREMONY SA TANGGAPAN NG AHENSYA SA MALATE, MANILA.
AYON KAY ALBAYALDE, NAPAKALAKING TULONG PARA SA PNP-NCRPO NG AYUDANG IPINAGKALOOB NG PAGCOR SAPAGKAT SA MAHABANG PANAHON AY KINAKAILANGAN PA NILANG MANGHIRAM NG MGA MOTORSIKLO SA HIGHWAY PATROL GROUP PARA SA KANILANG MOTORCYCLE RIDING COURSE.
ANG MGA BIBILHING MOTORSIKLO AY GAGAMITIN DIN UMANO SA PANGANGALAGA SA SEGURIDAD NG MGA VIP NA BUMIBISITA SA BANSA AT SA PAGSASAGAWA NILA NG OPLAN SITA SA MGA LANSANGAN SA KAMAYNILAAN.
SAMANTALA, NANINIWALA SI PAGCOR CHAIRMAN AND CEO ANDREA DOMINGO NA MAHALAGA PARA SA MGA KAPULISAN ANG PAGKAKAROON NG SAPAT NA SASAKYAN SAPAGKAT ANG PAGPAPANATILI NG MGA ITO NG KAPAYAPAAN SA METRO MANILA ANG SUSI SA PAGPAPASIGLA NG TURISMO SA BANSA. (PAGCOR-CCD)