Feature Articles:

PNP, Civic Groups Unite to Bring Relief to Typhoon-Hit Luzon Provinces

Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon...

Tutok Kainan Dietary Supplement Program: Laban sa malnutrisyon, suporta sa unang 1,000 araw ng bata

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang...

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...

Ika-50 Anibersaryo ng Pilipinas-Tsina, Impeachment kay VP Sara Duterte tinawag na ‘Proxy Ploy’ ng US – ACPSSI

Sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Tsina, inihayag ng Asian Century Philippines Strategic Studies Inc. (ACPSSI) nitong Biyernes, Hunyo 13, 2025, na ang impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte ay isang “proxy ploy” o palusot ng Estados Unidos upang makialam sa bansa.

Ayon kay Herman “Ka Mentong” Tiu Laurel, Pangulo ng ACPSSI, sa ginanap na Media Forum, ang pagdiriwang ng golden anniversary ng Pilipinas at Tsina ay naganap noong Hunyo 9, 2025 bilang paggunita sa 50 taon ng pagtutulungan ng dalawang bansa. Binanggit niya ang mga kinilalang Awardees mula sa Association of Philippines China Union (APCU) tulad nina dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, dating Senador Nikki Coseteng, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at Mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte.

Ani Laurel, ang mga sirang ugnayan ng Pilipinas at Tsina ay dulot ng mga panlabas na puwersa. Kanyang pinagtibay na ang Preamble ng 1987 Konstitusyon ay pinakamataas na prinsipyo, lalo na ang pag-angkin ng kasarinlan na nakasaad sa Seksiyon 18, Artikulo 25.

Ipinaliwanag niya na ang impeachment laban kay VP Sara Duterte ay bahagi ng tinatawag nilang “Regime Change” ng US upang alisin siya sa pagtakbo sa 2028 at maibalik ang impluwensya ng Amerika sa rehiyon. Ginamit niya bilang halimbawa ang mga naunang impeachment laban kay dating Punong Mahistrado Renato Corona, at pati na rin ang pagbagsak ng mga lider tulad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at Joseph “Erap” Estrada na sinundan ng People Power.

Binanggit din ni Ado Paglinawan, Bise Presidente ng ACPSSI, na simula 1966 ay may mga “golden o broken” ties ang Pilipinas at Tsina. Ipinaliwanag niya na ang UN ay kinilala ang People’s Republic of China bilang tanging lehitimong Tsina noong 1971. Pinuna rin niya ang mga hakbang ng mga nakaraang opisyal ng gobyerno na nagpapasidhi sa tensyon, kabilang ang dating kalihim ng DFA na si Albert Del Rosario at ang “grounding” ng barkong BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Inilahad din ni Paglinawan na ang alitan sa South China Sea ay ugat ng eksplorasyon ng langis at gas, at binanggit ang alok ng Tsina na hatiin ang kita mula sa likas-yaman sa rehiyon na tinanggihan ng mga nakaraang administrasyon.

Ipinahayag naman ni Joaquin Sy, isang Tsinoy at tagapag-organisa ng “Kaisa para sa Kaunlaran,” ang pasasalamat sa presentasyon ni Paglinawan. Ani Sy, masaya ang mga Filipino-Chinese sa pagkatanggap nila bilang ganap na mamamayan ng Pilipinas at ang kanilang suporta kay Duterte noong 2016 ay bunga nito.

Pinaliwanag din ni Sy na ang tunay na usapin ay ang problema sa Taiwan, at hindi ang pag-angkin ng Tsina sa Spratly Islands lamang. Tinukoy niya na ang Pilipinas ay nalagpasan na ng Indonesia sa ekonomiya, ngunit may malaking oportunidad pa rin dahil sa mga dayuhang pamumuhunan mula sa Tsina.#

Latest

PNP, Civic Groups Unite to Bring Relief to Typhoon-Hit Luzon Provinces

Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon...

Tutok Kainan Dietary Supplement Program: Laban sa malnutrisyon, suporta sa unang 1,000 araw ng bata

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang...

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang...
spot_imgspot_img

PNP, Civic Groups Unite to Bring Relief to Typhoon-Hit Luzon Provinces

Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon to receive aid in joint humanitarian mission In a powerful display of bayanihan, the Philippine National Police...

Tutok Kainan Dietary Supplement Program: Laban sa malnutrisyon, suporta sa unang 1,000 araw ng bata

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang malnutrisyon, ipinatutupad ng National Nutrition Council (NNC) ang Tutok Kainan Dietary Supplementation Program (TK DSP)...

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura ang Rice Tarrification Law (RTL) dahil nagdulot umano ito ng malawakang paghihirap sa mga magsasaka...