Feature Articles:

2025 PhilHealth budget will do nothing for the country’s top health problems

Joint Statement of Medical Action Group and Action for...

Senador Chiz Escudero nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno -Tangere Survey

Nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno ng bansa si...

Zero budget ng PhilHealth tinuligsa ng mga CSO, sectoral leaders, PBBM hinimok na i-veto ang 2025 Budget

Kinondena ng mga lider mula sa labor groups, medical...

NHA 100 pabahay ipapatayo sa Pantukan, Davao De Oro

Nakatakdang ipatayo ng National Housing Authority ang 100 na pabahay para sa mga informal settler families (ISFs) ng Pantukan sa Davao de Oro.

Kamakailan lang, personal na ibinigay ni NHA General Manager Joeben Tai ang unang bahagi ng pondo na nagkakahalaga ng P15 milyon mula sa P25 milyong badyet para sa pagtatayo ng Bag-ong Pantukan Village.

“Layon ng ahensya na mabigyan ng tahanan ang bawat pamilyang Pilipino alinsunod sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing [4PH] Program ng ating Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Naniniwala rin kami na ang bawat bahay ay panimula sa bagong buhay ng ating mga benepisyaryo,” ani NHA GM Tai.

Ang BP Village ay sakop ng programa ng NHA na Resettlement Assistance Program to Local Government Units (RAP-LGU) na layuning magbigay ng pinansyal at teknikal na tulong sa mga LGU sa implementasyon ng kanilang mga programa sa urban development at housing.

Matatagpuan sa Brgy. Kingking, Pantukan, ang 4.4 ektaryang lugar ng pabahay ay inaasahang mapagtatayuan ng 100 pabahay para sa mga informal settler families (ISFs) na naninirahan sa mga delikadong lugar, mga maaapektuhan ng mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaang bayan, mga pamilyang may kautusan ng hukuman para sa pagpapaalis, at yaong mga kwalipikado sa tulong-relokasyon at resettlement sa ilalim ng Republic Act (RA) 7279 o ang Urban Development and Housing Act.

Noong Hunyo 7, 2024, isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa BP Village kung saan ito ay pinangunahan nina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Rovin Andrew M. Feliciano, NHA Region XI Manager Engr. Clemente A. Dayot, Mayor Leonel D. Ceniza ng Pantukan, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Samantala, habang nasa Rehiyon ng Davao, binisita rin ni NHA GM Tai ang Mont Eagle Ville Subdivision sa Brgy. Kidawa, Laak, Davao de Oro upang suriin ang lugar ng pabahay at kalagayan ng mga benepisyaryo.#

Latest

2025 PhilHealth budget will do nothing for the country’s top health problems

Joint Statement of Medical Action Group and Action for...

Senador Chiz Escudero nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno -Tangere Survey

Nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno ng bansa si...

Zero budget ng PhilHealth tinuligsa ng mga CSO, sectoral leaders, PBBM hinimok na i-veto ang 2025 Budget

Kinondena ng mga lider mula sa labor groups, medical...

Kinondena ng mga CSO ang zero budget para sa PhilHealth sa 2025

Kinondena ng mga Civil Society Organization (CSO) na binubuo...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Cong. Erwin Tulfo maintains lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey ofTangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo, achieved high voter preference across...
spot_imgspot_img

2025 PhilHealth budget will do nothing for the country’s top health problems

Joint Statement of Medical Action Group and Action for Economic Reforms The Medical Action Group and Action for Economic Reforms call the 2025 Corporate Operating...

Senador Chiz Escudero nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno -Tangere Survey

Nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno ng bansa si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero matapos magtala ng kapansin-pansing pagtaas ng Kasiyahan o Satisfaction Rating ng...

Zero budget ng PhilHealth tinuligsa ng mga CSO, sectoral leaders, PBBM hinimok na i-veto ang 2025 Budget

Kinondena ng mga lider mula sa labor groups, medical society at civil society ang zero budget ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na inaprubahan...