“Kinikilala namin ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) bilang kapantay ng kalalakihan,” ani ni Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III sa pagbubukas ng National Women’s Month Festival, isang limang araw na trade fair para sa mga produkto ng mga ARB organizations (ARBOs) ng bansa upang ipakita ang lokal at abot-kaya na presyong abot-kaya ngunit world-class na kalidad na mga produkto.
Aniya, sa nakalipas na dalawang taon ng repormang agraryo sa ilalim ng administrasyong Marcos, nabigyan nila ng titulo ng lupa ang mga babaeng ARB.
“Masaya ako na narito ang mga kababaihang opisyales at kawani ng DAR. Ipinagmamalaki kong sabihin na sila ay may kakayahan at kahusayan sa pagpapatupad ng reporma sa lupa,” pahayag ng Kalihim.
Pinangunahan ni Undersecretary for Support Services Rowena Niña Taduran, na siya ring Chairperson ng Gender and Development National Steering Committee ng DAR, ang pagbubukas ng seremonya ng isang linggong tiangge kasama sna 1st District of Bataan Representative Geraldine B. Roman, Broadcast Journalists Cecilia Victoria Orena- Drilon at Rikki Wek Mathay bilang panauhing tagapagsalita..
“Ang trade fair na ito ay bilang suporta sa mga ARBO kung saan malaki rin ang papel ng mga kababaihan sa paggawa ng mga de-kalidad na produktong pang-agrikultural. Tangkilikin po natin ang kanilang mga produkto at ipakita sa mga tao ang pambihirang kalidad ng mga produkto ng mga magsasaka,” ani Taduran.
“Ipaglaban natin ang karapatan ng kababaihan at ipaglaban natin ang karapatan ng iba pang marginalized na sektor sa ating paglalakbay tungo sa isang inklusibong lipunan kung saan ang lahat ng Pilipino, anuman ang lahi, kasarian, katayuan sa lipunan, pisikal na anyo, at relihiyon ay iisa sa pagsasaayos ng mundo,” dagdag ng Kongresista.
Ang DAR ay magsasagawa ng iba’t ibang forum tungkol sa gender sensitivity, health and wellness activities, food festival, bloodletting, bazaar, at mga pelikula tungkol sa women empowerment para ipagdiwang ang National Women’s Month.#