Feature Articles:

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange...

Dredging at pagpapatibay sa riverbank ng Cagayan River all systems go na – Cimatu

Inanunsiyo noong Miyerkules ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary at Task Force Build Back Better chair Roy A. Cimatu na nakatakda nang simulan sa Pebrero 2 ang pagtanggal ng sandbars, pagpapalawak sa makitid na bahagi ng Cagayan River na tinatawag na Magapit Narrows at ang malawakang pagtatanim ng kawayan sa gilid ng ilog.

“This is the culmination of weeks of meticulous planning and detailed coordination to ensure that each of the dredging equipment is safely transported to the sandbar sites and that bamboos are grown at critical portions of the riverbank needing immediate measures to address stream bank erosion and instability,” sabi ni Cimatu.

Humigit kumulang na may habang isang kilometro sa riverbank ng Barangay Bangag sa Lallo ang tataniman ng 925 punla ng kawayan sa gagawing paglulunsad.

Binigyang diin ni Cimatu na ang pagtanggal ng sandbars at pagtatanim ng kawayan ay matatawag na “inseperable twins” na isang istratehiya na gagawin ng TFBBB upang maprotektahan ang agricultural lands at mga pananim tuwing may bagyo.

Bukod naman sa anim na amphibious dredgers na manggagaling sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay magpapadala rin ng 40 dredging equipment and Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinabibilangan ng dump trucks, bulldozers, tractors at scoop loaders.

Sisimulan ang proyekto sa unang bahagi ng dredging operations na kinakailangang tanggalin ang tatlong priority sandbars sa Magapit Narrows na may sukat na 235 ektarya at tinatayang aabot sa seven million cubic meters.

Ayon na rin sa DPWH, aabot sa 19 sandbars ang kanilang natukoy ngunit ang uunahin ay ang tatlong sandbars na nakahahadlang sa daloy ng tubig baha sa Aparri Delta papunta sa Babuyan Channel.

Ang tatlong sandbars na ito ay may estimated volume na seven million cubic meters at may sukat na 235 hectares.

Ito ay matatagpuan sa Barangay Bangag, Lal-lo na mayroong 11.4 hectares at may daming 334,305 cubic meters ng buhangin; Casicallan Norte, Gattaran, 89 hectares at may 2.7 million cubic meters ng buhangin at Dummun, Gattaran, 174.70 hectares at 4.04 million cubic meters ng buhangin.

Kukuha rin ng 100 local residents na magsisilbing laborers sa planting operation. Ito ay ang mga benipisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program ng Department of Labor and Employment.

Magiging bahagi naman ng dredging operation ang 48 laborers at operators na dumaan sa pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority.

“This is whole-of-government at its best, with the support from almost all national agencies and the Cagayan provincial government,” saad pa ni Cimatu.

Inaasahang makakasama ng DENR chief sa gaganaping 1st phase ng dredging activities sa Pebrero 2 sina TFBBB co-chair DPWH Secretary Mark Villar, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello, III at AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay.

Magiging bahagi din ng programa sina Cagayan Gov. Manuel Mamba, Isabela Gov. Rodolfo Albano, Quirino Gov. Dakila Carlo Cua, Cagayan local chief executives Matthew Nolasco ng Gattaran at Oliver Pascual ng Lallo, DENR-Cagayan Valley Executive Director Gwendolyn Bambalan at DPWH-Cagayan Valley Director Loreta Malaluan na nagtulung-tulong para sa programa. ###–

Strategic Communication and Initiatives Service (SCIS)

Latest

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...
spot_imgspot_img

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5% in the latest 2025 Senate Survey of Tangere. Cong. Erwin Tulfo, achieved high voter preference...

Ant International Unveils its Global Sustainability Initiative ‘AquaViva’, Leveraging Digital Innovations and Ecosystem Partnerships for Marine Conservation

In partnership with Conservation International, AquaViva launches its first project – whale shark conservation in Indonesia SINGAPORE, 18 November 2024 – At the UN Climate...

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...