Feature Articles:

MATINDING BABALA: “Tumitinding Militarisasyon ng Japan, Banta sa Asya at Pilipinas”

Mariing nagbabala si Asian Century Philippines Strategic Studies Institute...

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Mga magsasaka ng Ilocos tinulungan ng Community-based Participatory Action Research

Upang mas matulungan ang mga magsasaka sa Ilocos, inilunsad ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 (DA-RFO 1) ang isang inisyatibong pinaigting ng masusing pananaliksik at partisipasyon ng komunidad. Ito ay tinatawag na Community-based Participatory Action Research (CPAR) na tumulong sa pag-unlad ng mga magsasaka sa Dingras at Paoay, Ilocos Norte.

Layon ng CPAR na magtatag ng epektibo at mabisang paraan ng pagtanggap ng mga teknolohiya para sa mga kababayang nasa laylayan ng lipunan. Nais nitong mapabuti ang lagay ng isang komunidad sa pamamagitan ng mga teknolohiya at kaalaman na makatutulong upang mapaunlad ang produksyon at proseso sa pagsasaka. Natatangi ang ganitong uri ng inisyatibo dahil ang bawat parte ng programa ay masusing inaangkop sa pangangailangan ng isang partikular na komunidad.

Isa sa mga bahagi ng proyekto ang pagtatag ng mga ‘model farms’ o sakahan kung saan ipinatutupad ang mga teknolohiya at kaalaman sa pagsasaka. Ang mga model farms sa proyekto ay gumamit ng ‘rice-rice-mungbean’ at ‘rice-white corn farming systems.’ Kalakip sa mga sakahang ito ang mga kalidad na hybrid na pananim, ‘straight-row establishment method,’ paggamit ng Rice Crop Manager, at paggamit ng sapat at balanseng pestisidyo.

Base sa resulta, nakitang napaigi ang produksyon ng mga sakahan sa tulong ng mga teknolohiya mula sa proyekto. Ang mga sakahan na gumamit ng rice-rice-mungbean system ay umani ng 4.55 ‘tons per hectare’ (t/ha) sa unang ani. Ito ay mas mataas ng 12% kung ihahambing sa pamantayan. Sa ikalawang ani, nagtala naman ito ng 4.39 t/ha, 30% na mas mataas kaysa sa pamantayan. Gayundin, kaparehong umunlad ang produksyon sa rice-white corn farming system model farms.

Kasunod nito, gumanda ang taunang kita ng mga magsasaka. Sa rice-rice-mungbean farming system, ito ay nagtala ng kitang humigit-kumulang P60,000.00 kada hektarya. Ito ay umaangat kung ikukumpara sa pamantayan na P30,000.00 kada hektarya.

Ayon kay Ms. Reinamae G. Banquirig, isa sa mga nanguna sa proyekto, mahalaga ring mabigyan ng kapangyarihan at laya ang mga magsasaka sa kanilang produksyon. “Kapag pinagsama-sama ang apat na ‘factors —‘improved production technologies,’ ‘integration of production and marketing services,’ ‘social networking and linkage,’ at ‘complemented with building capacities of farmers,’ and we put them into action within the community, ay magiging sustainable yung ating community-based farm enterprise,” ani ni Ms. Banquirig. (Karl Vincent S. Mendez, DOST-PCAARRD S&T Media Services)

Latest

MATINDING BABALA: “Tumitinding Militarisasyon ng Japan, Banta sa Asya at Pilipinas”

Mariing nagbabala si Asian Century Philippines Strategic Studies Institute...

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

Newsletter

spot_img
spot_img
spot_img

Don't miss

Health Officials Rally Behind Sodium Reduction Bill as Premature Deaths from Hypertension, Kidney Disease Soar

Health officials and medical societies are throwing their weight...
spot_imgspot_img

MATINDING BABALA: “Tumitinding Militarisasyon ng Japan, Banta sa Asya at Pilipinas”

Mariing nagbabala si Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI) President Herman Tiu Laurel na ang mabilis na militarisasyon ng Japan ay nagdudulot ng...

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a "whole-of-nation approach" to solve the country's worsening transportation crisis, as the motorcycle taxi giant announced...

P150 Million Socio-Civic Center Breaks Ground in Catanduanes: A New Era for Disaster Resilience and Digital Learning

PAGCOR team arrives on island province to survey site for multi-purpose facility that will serve as evacuation center, e-learning hub, and community wellness space—all...