Feature Articles:

GRASSROOTS GROUPS WARN VS JAPAN’S REMILITARIZATION, NUCLEAR AMBITIONS

Civil society leaders cite historical atrocities, call for public...

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

MATINDING BABALA: “Tumitinding Militarisasyon ng Japan, Banta sa Asya at Pilipinas”

Mariing nagbabala si Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI) President Herman Tiu Laurel na ang mabilis na militarisasyon ng Japan ay nagdudulot ng “malubha at nalalapit na panganib” sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng Asya—kabilang ang Pilipinas, ayon sa inilunsad na “Stop Japan Militarization Campaign” ngayong Abril 17, 2026.

Ayon kay Laurel, lumalala ang sitwasyon kasunod ng ulat na may mga opisyal sa Japan na nagsusulong na magkaroon ito ng sandatang nukleyar, bagay na aniya’y lubhang nakakabahala dahil tinatayang may sapat na plutonium ang bansa upang makagawa ng hanggang 5,500 nuclear bombs.

Binatikos din niya ang umano’y paglabag ng Japan sa Article 9 ng kanilang Konstitusyon, ang probisyong nagtatakda ng pagiging “pacifist” ng bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kabila nito, pinalalakas umano ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang sandatahang lakas, kabilang ang $58 bilyong defense budget para sa 2026, na may kasamang pagbili ng mga missile at drone.

Iginiit ni Laurel na hindi lamang depensa ang layunin ng mga hakbang na ito kundi bahagi umano ng mas malawak na estratehiya ng Estados Unidos na palibutan at pigilan ang pag-angat ng China sa rehiyon. Aniya, malinaw ang koneksyon nito sa “Pivot to Asia” policy ng U.S., na naglalayong ilipat ang malaking bahagi ng puwersang militar nito sa Asya.

Pinunto rin niya na ang Japan at Pilipinas ay ginagamit bilang “client states” sa tensyon laban sa China, na nagsimula pa noong 2012 sa mga insidente tulad ng agawan sa mga isla at sigalot sa West Philippine Sea. Sa kabila nito, nananatiling pangunahing trading partner ng dalawang bansa ang China—isang aniyang “kontradiksyon” na nagpapakita ng impluwensya ng U.S. sa kanilang polisiya.

Mas lumalala pa umano ang sitwasyon dahil sa bagong polisiya ng U.S. na “Let Asians fight Asians,” kung saan pinapasa ang responsibilidad ng depensa sa mga kaalyado nito. Kabilang dito ang paghimok sa Japan na magpalakas ng militar at sa Pilipinas na magdagdag ng mga base militar at tumanggap ng mga missile system.

Binigyang-diin din ni Laurel na ang pagpapalawak ng presensya militar ng U.S. sa Pilipinas—na umabot na sa siyam na base—ay maaaring maglagay sa bansa bilang target sa posibleng digmaan, lalo na sa ilalim ng estratehiyang “Agile Combat Employment” na nagpapakalat ng pwersa sa iba’t ibang lugar.

Sa gitna nito, pinaalalahanan niya ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang malagim na karanasan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kabilang ang Bataan Death March at mga karahasang naranasan sa Maynila, bilang babala sa muling pag-usbong ng “neo-militarism” sa Japan.

Bilang tugon, inilunsad ng ACPSSI ang isang malawakang kampanya laban sa digmaan at militarisasyon, kabilang ang mga seminar, rally, at koordinasyon sa mga grupong ASEAN. Layunin nitong itaas ang kamalayan ng publiko at tutulan ang umano’y paglabag sa soberanya at kapayapaan ng rehiyon.

Giit ni Laurel, panahon na upang kumilos ang mga Pilipino at buong Asya upang pigilan ang tumitinding tensyon: “Kung hindi kikilos ngayon, maaaring maulit ang trahedya ng kasaysayan—sa mas mapaminsalang anyo.”#

Latest

GRASSROOTS GROUPS WARN VS JAPAN’S REMILITARIZATION, NUCLEAR AMBITIONS

Civil society leaders cite historical atrocities, call for public...

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

Newsletter

spot_img
spot_img
spot_img

Don't miss

GRASSROOTS GROUPS WARN VS JAPAN’S REMILITARIZATION, NUCLEAR AMBITIONS

Civil society leaders cite historical atrocities, call for public...

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

Health Officials Rally Behind Sodium Reduction Bill as Premature Deaths from Hypertension, Kidney Disease Soar

Health officials and medical societies are throwing their weight...
spot_imgspot_img

GRASSROOTS GROUPS WARN VS JAPAN’S REMILITARIZATION, NUCLEAR AMBITIONS

Civil society leaders cite historical atrocities, call for public opposition to US-Japan military buildup in Asia-Pacific Grassroots organizations and people’s advocacy movements have raised alarm...

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a "whole-of-nation approach" to solve the country's worsening transportation crisis, as the motorcycle taxi giant announced...

P150 Million Socio-Civic Center Breaks Ground in Catanduanes: A New Era for Disaster Resilience and Digital Learning

PAGCOR team arrives on island province to survey site for multi-purpose facility that will serve as evacuation center, e-learning hub, and community wellness space—all...