MASIDHI na ang panawagan ng mga kawani ng Bureau of Broadcast Services (BBS) na tapusin na ng Change Management Team (CMT) ang Rationalization Plan ng nasabing ahensiya.
Matatandaan na noon pang Oktubre 2004 nang naging epektibo ang EO 366 sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Tinatayang nasa 94 na ahensya pa ang nakasalang sa DBM na pawang ‘under evaluation’ o masusing pinaag-aaralan bago maging ganap ang implementasyon.
Subalit dahil umano sa sinasabing ‘unbelievable plantilla positions’ na ginawa ng dating pamunuan ng PBS at kawalan ng interes na tulungan ang kapwa kawani ng kanilang unyon lider na syang dapat na kinatawan at boses nila sa CMT kaya’t ang nasabing isinumiting Rat Plan ay pabalik-balik sa DBM.
Hiling ng mga kawani na agarang magkaroon ng Pangkalahatang Kapulungan sa pagitan ng bagong pamunuan ng PBS na sa matagal nang panahon ay hindi nangyayari sa kanilang ahensya dahil anila ang nakaraang administrasyon ay nagkikibit balikat lamang sa mga pangangailangan at suliranin na kinakaharap ng mga tauhan ng Bureau of Broadcast Services (BBS).-30-