Ang Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) sa pakikiisa ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD-DOST) ay magsasagawa ng kauna-unahang Kapulungan ng Pambansang Nutrigenomics sa darating na Enero 19-20 ng taong kasalukuyan.
Ang dalawang araw na pagsasama-sama ng mga paham buhat akademiya, pananaliksik at ‘clinical practice’ kung saan tatalakayin ang pagkakaugnay ng diyeta, sakit at aplikasyon ng ‘nutrigenomics’ na siyang magpapabuti ng kalusugan ng mga Pilipino.
Layunin ng FNRI at PCIEERD na magbigay kaalaman sa kahalagahan ng ‘nutrigenomics’ upang maiwasan ang mga posibleng sakit dulot ng nakaugalian gawain at kainin ng maraming Pilipino.
Matatandaan na ang ahensya ng FNRI ang namumuno sa pag-aaral at pagpapaunlad ng pagkain at nutrisyon sa bansa. Kaya hindi naman tumitigil ang nasabing ahensya na pagbutihin pa, isaayos at mapaunlad ang kalagayan ng pagkain at wastong nutrisyon upang siguraduhing maihatid ito sa mga kababayan natin sa bansa. -30-