₱60–₱70 bawat kilo ng bigas, 98% dependency sa imported oil, at darating na El Niño—banta sa 6 na buwan
Mariing nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) at mga katuwang na civil society organization na wala nang panahon para sa “band-aid solutions” ang pamahalaan—sa halip, kinakailangan na ng isang National Survival Strategy matapos ang sunod-sunod na banta sa seguridad pagkain dahil sa tumitinding epekto ng giyera sa Middle East, pagsirit ng presyo ng langis, at paparating na El Niño.

Sa isang breakfast forum na ginanap sa Kamuning Bakery, binalaan ng IRDF na ang kasalukuyang pila sa NFA at Kadiwa ay hindi simpleng logistical failure kundi simula na ng systemic collapse sa seguridad pagkain ng bansa.

Sa susunod na anim na buwan, nanganganib ang Pilipinas na makaranas ng matinding gutom dahil sa 98% pag-asa sa imported na langis, pagtaas ng diesel sa ₱130/liter, at posibleng 45–65% na pagbaba ng produksyon ng palay dulot ng triple crisis—giyera, enerhiya, at El Niño.

Mga Babala at Panukala ng IRDF
1. Presyo ng bigas posibleng umabot ng ₱60–₱70/kg
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, inaasahang tataas pa ang presyo ng bigas sa merkado. Nanawagan ang IRDF ng price cap na ₱50 kada kilo para sa imported na bigas sa ilalim ng Executive Order 110.
2. Tatlong posibleng senaryo ng pagbagsak ng ani ayon kay Prof. Ted Mendoza (UP Los Baños)
| Scenario | Reduction sa Palay Yield | Kailangang Rice Imports |
| Less severe | 45% | 4.9 million metric tons |
| Moderate | 55% | 5.8 MMT |
| Severe/Worst-case | 65% | 6.6 MMT |
“Ang pag-asa natin sa import habang sabay na nagkakrisis ang Thailand, Vietnam, at India ay isang disaster,” babala ni Mendoza.
3. Apurahang aksyon sa loob ng 90 araw (URGENT ACTIONS)
| Panukala | Detalye |
| Pagsuspinde ng buwis sa langis | Alisin ang excise tax at VAT sa diesel at petrolyo-based fertilizers. Diesel nasa ₱130/liter na. |
| Cash subsidy na ₱10,000 bawat pamilya | Para sa magsasaka, manggagawa sa bukid, at informal urban workers. P20 bilyon lang kailangan para sa 2 milyong magsasaka—10% lamang ng ₱238 bilyong crisis fund. |
| Fuel vouchers para sa mechanical harvesters | ₱1 bilyon mula sa Quick Response Fund para maiwasan ang post-harvest losses. |
| Agresibong intervention ng NFA | Bumili ng palay sa ₱25–₱28/kg (mas mataas sa presyo ng traders) at magbenta ng bigas sa ₱45/kg sa bawat bayan. |
| Price cap na ₱50/kg sa imported rice | Landing cost nasa $500/MT—kailangan ng regulasyon laban sa “panic pricing.” |
| Palawakin ang Kadiwa on Wheels | Makipagtulungan sa kooperatiba at LGU para sirain ang ₱60/kg market trend. |
| Monitoring task force vs hoarding, profiteering, smuggling | Magpatupad ng parusa sa mga mapagsamantala. |
4. Banta sa food security sa susunod na 6 na buwan
- Pagbagsak ng irigasyon — Diesel ₱130/L, pumapatay na ng irigasyon cycle (3 beses nagiging 1 beses)
- Hyper-inflation ng fertilizer — Urea tumaas ng 46% noong unang bahagi ng 2026
- Logistics bottleneck — 400+ gasolinahan ang nagsara; lumalalang “food deserts”
- Peste at El Niño — Brown planthoppers, stemborers, at PAGASA forecast ng El Niño simula Hunyo 2026 hanggang late 2026
5. Mga pondong pwedeng gamitin ayon kay Dr. Rene Ofreneo
| Pondo | Halaga |
| Malampaya Fund | $13.9 bilyon (kabuuan); ₱20 bilyon na nakatakda para sa emergency fuel |
| GAA 2025–2026 crisis response | ₱210 bilyon |
| Unspent fuel funds (2023–2025) | ₱100 milyon |

“May pondo at legal na kapangyarihan ang gobyerno. Ang kulang ay political will na unahin ang tiyan ng mahihirap kaysa kita ng estado,” ani Dr. Ofreneo, Presidente ng IRDF.
6. Medium-term na solusyon (Decoupling Food from Oil)
- Gumamit ng drought-resilient, short-duration rice varieties
- Palawakin ang Solar-Powered Irrigation Systems (SPIS), rainwater harvesting
- Isulong ang bio-fertilizers at organic soil amendments
- Dietary shift ayon kay Prof. Mendoza: hikayatin ang pagkain ng gulay at root crops bilang kapalit ng bigas
- Repasuhin ang Rice Tarrification Law (RTL) — ibalik ang NFA buffer stock mula 15 araw tungong 60 araw na reserba
Ayon kay Arze Glipo, Executive Director ng IRDF:

“Kailangan nang repasuhin ang Rice Tarrification Law para makapagtayo ang NFA ng sapat na buffer stock. Dapat makialam ang gobyerno sa presyo ng pataba at iba pang farm inputs.”
Sa susunod na anim na buwan, maaaring bumagsak ang produksyon ng bigas ng hanggang 65% dahil sa triple crisis: giyera sa Middle East, pag-asa sa imported na langis (98%), at El Niño. Nanawagan ang IRDF ng agarang pagsuspinde ng buwis sa langis, ₱10,000 cash subsidy, ₱50 price cap sa bigas, at paggamit ng Malampaya Fund at GAA crisis funds. Ayon sa grupo, hindi na ito logistical issue kundi simula na ng systemic collapse sa seguridad pagkain.
Ang Integrated Rural Development Foundation ay isang NGO na nagtataguyod ng climate-resilient agriculture, enterprise development, at food sovereignty para sa mga magsasaka at mangingisda sa Pilipinas.#




