Feature Articles:

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

Panukalang batas laban sa mga “Predatory Loan” inihain ng isang Solon

Saklaw ng batas ang pagpepresyo ng interes at pagpapalakas ng access sa pondo ng mga MSME

QUEZON CITY – Dalawang panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga Pilipinong sambahayan at maliliit na negosyante mula sa mga mapagsamantalang pautang o “predatory loans” ang inihain ngayong araw ng kinatawan ng 1Tahanan Partylist, Cong. Nathan Oducado.

Sa ilalim ng House Bill (HB) 6980 o ang “Credit Cards and Loans Penalties and Surcharges Regulation Act,” magkakaroon ng iisang hanay ng patakaran sa kabuuang halaga ng kredito, anuman ang halaga ng pautang o uri ng nagpapautang. Mandato rin nito ang mas malinaw na pagpapahayag ng mga bayarin at interes mula sa mga bangko at lending institution, at magbibigay ng ligal na pananggalang sa mga napapatawan ng hindi makatarungang singil.

“Higit 60 porsiyento ng mga pamilyang Pilipino ang kasalukuyang nahihirapang balansihin ang pang-araw-araw na gastos at ang pagbabayad ng utang,” paglalahad ni Cong. Oducado. “Sa maagang bahagi ng 2025, umabot na sa P3.18 trilyon ang household at consumer loans, kung saan mahigit P560 bilyon dito ay galing sa credit card.”

Binigyang-diin ng mambabatas na ang mga umiiral na safeguard ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay nalalapat lamang sa mga pautang na P10,000 pababa. “Naiiwan ang mas malalaking personal at business loan na walang komprehensibong limitasyon. Dahil dito, ang isang pautang na P50,000 ay maaaring lumobo sa P120,000 sa loob lamang ng dalawang taon dahil sa interes at mga parusa,” paliwanag niya.

“Itong panukala ay hindi laban sa pagpapautang. Ito ay para sa pagiging patas. Tinitiyak nito ang transparency, pinoprotektahan ang mga nanghihiram mula sa mga mapang-abusong singil, at sinusuportahan ang maliliit na negosyo at pamilya upang sila ay lumago imbis na maipit sa utang,” dagdag pa ni Oducado.

Kaakibat nito, ang HB 6968 o ang “Strengthening Access to Credit for Micro and Small Businesses Act of 2025” naman ay magtatatag ng sustainable financing mechanism para sa pag-unlad ng mga micro at small enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng Pondo Para sa Pagbabago Program.

“Buhay na buhay pa rin ang mapagsamantalang ‘5-6’ at mga informal lender dahil sa kakulangan ng maayos na opsyon. Bukod sa regulasyon, kailangan din nating magbigay ng mas mabuting alternatiba,” diin ni Oducado. “Bukod sa pagpapalawak ng access sa kredito, ibababa ng panukalang ito ang interest rate kung saan ipagkakaloob ang mga serbisyong pampinansya sa ating mga MSME.”

Iginiit ng kongresista ang pangangailangang protektahan ang mga Pilipino mula sa mga “predatory loan practices,” lalo na ang mga nagnanais magsimula o palaguin ang kanilang maliliit na negosyo. “Hindi natin maaaring hayaang abusuhin ng mga ‘loan predator’ ang pagnanais ng mga maliliit na negosyante na magkaroon ng mas magandang buhay. Dapat manguna ang pamahalaan sa pagbibigay ng proteksyon at mas maa-access na alternatiba,” pagtatapos niya.

Kasalukuyang nakabinbin ang mga panukala sa komite at inaasahang magdulot ng masusing talakayan hinggil sa proteksyon ng mga konsyumer at pagpapalakas ng sektor ng maliliit na negosyo sa bansa.#

Latest

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

Health Officials Rally Behind Sodium Reduction Bill as Premature Deaths from Hypertension, Kidney Disease Soar

Health officials and medical societies are throwing their weight...

Newsletter

spot_img
spot_img
spot_img

Don't miss

IRDF Chief: Rice Supply to Collapse in 6 Months – Govt Must Act Now

NFA buffer stock only 100,000 MT vs. needed 300,000...
spot_imgspot_img

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a "whole-of-nation approach" to solve the country's worsening transportation crisis, as the motorcycle taxi giant announced...

P150 Million Socio-Civic Center Breaks Ground in Catanduanes: A New Era for Disaster Resilience and Digital Learning

PAGCOR team arrives on island province to survey site for multi-purpose facility that will serve as evacuation center, e-learning hub, and community wellness space—all...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by nearly 8% in Q2 2026, with dissatisfaction rising by almost 10%, according to an April...