Isang makabagong paraan ng paggamot na pinagsasama ang modernong medisina at tradisyonal na pamamaraan ang ipinakikilala ng SKNN Clinic dito sa bayan.
Ayon kay Dr. Patrick Anthony “Anton” Roquel, ang kanilang klinika sa Wilson Street ay nangunguna sa integrated medicine. Naniniwala sila na mas epektibo ang paggamot kapag pinagsama ang siyensya ng Kanluran at ang mga natural at kinaugaliang pamamaraan mula sa Silangan, tulad ng acupuncture at herbal medicine.
“Hindi lamang ito ‘money treatment’ o pag-ayos ng problema para kumita. Ang aming layunin ay ang holistic wellness—ang kumpletong kalusugan mula sa loob palabas,” paliwanag ni Dr. Roquel.
Kalusugan ng Balat, Salamin ng Katawan
Isa sa pangunahing paniniwala ng klinika ay ang balat ay sumasalamin sa kondisyon ng loob ng katawan. Kapag may toxin o problema sa kalusugan, maaari itong magpakita sa balat. Kaya tinututukan nila ang paglilinis at pag-aalaga sa panloob at panlabas na aspekto ng pasyente.
Ano ang SKNN?
Ayon kay Patrick Roquel, isang Medical Technologist, ang SKNN ay ang acronym na ginagamit nila, na nangangahulugang Science, Knowledge, and Nature (Agham, Kaalaman, at Kalikasan). Ito ang batayan ng kanilang mga serbisyo, kung saan ginagamit nila ang mga halaman tulad ng centella asiatica at ang mga prinsipyo ng acupuncture.
Mga Serbisyong Inaalok
Kabilang sa kanilang mga serbisyo ang:
- Medical aesthetics: paglilinis, pag-hydrate, at pagmoisturize ng mukha.
- Herbal restoration: paggamit ng halaman mula sa pagtatanim hanggang sa paggawa ng produkto.
- Acupuncture: para sa mas mabuting sirkulasyon ng dugo, pag-kontrol ng diabetes at cholesterol, paggamot sa kirot, at pagtulong sa fertility.
- Rehabilitation: bilang bahagi ng kanilang wellness program.
Paliwanag ni Dr. Anton Roquel na ang kanilang klinika ay bukas para sa lahat ng nagnanais ng komprehensibo at balanseng paggamot. “Ito ay hindi lamang pang-itsura. Ito ay tungkol sa istilo ng pag-aalaga,” dagdag niya.
Inaanyayahan nila ang interesadong mamamayan na bumisita sa SKNN Clinic sa Wilson Street, San Juan, o makipag-ugnayan para sa appointment.#
