Para matiyak na mapapanatili ang paghahatid ng serbisyong pang-empleo sa mga local government unit (LGU), nagtulungan ang Department of Labor and Employment (DOLE), ang Department of the Interior and Local Government (DILG), at ang Public Employment Service Office Managers Association of the Philippines (PESOMAP) para sa pag-institutionalize ng mga PESO sa buong bansa.
Mahalaga ang hakbang na ito upang mas dumami ang regular na posisyon, badyet, at magkaroon ng opisyal na opisina ang mga PESO upang patuloy na makapaghatid ng serbisyong pang-empleo sa pinaglilikurang publiko. Sa ngayon, 40 porsiyento ng 1,592 PESO sa bansa ang na-institutionalize. Nilalayon ng DOLE na ma-institutionalize ang natitira pang 60 porsiyento sa pamamagitan ng pinaigting na adbokasiya.
Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sina DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma (itaas na larawan, pangalawa mula sa kaliwa), DILG Secretary Benjamin C. Abalos, Jr. (kaliwa), at PESOMAP President Luningning Y. Vergara (pangatlo mula sa kanan) sa DOLE Central Office sa Intramuros, Manila noong ika-20 Pebrero.. (Larawan mula sa DOLE-IPS)