Feature Articles:

Payatas Barangay Officer Suspended After Viral Assault Video

The Barangay Council of Payatas has issued a strong...

DBS and Ant Expand Strategic Fintech Partnership

In a strategic move set to redefine digital finance...

Fresh, Affordable, & Direct: The M.R. Sunga Manukan Promise

In the daily hunt to put a quality meal...

57% ng mga Pilipino Tutol sa Desisyon ng Senado na Isauli ang Artikulo ng Impeachment kay VP Sara Duterte

Lumabas sa pinakahuling survey ng Tangere na 57% ng mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa naging desisyon ng Senado na isauli sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Artikulo ng Impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte. Ang survey ay isinagawa noong Hunyo 16-17, 2025.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga tumutol ay mula sa Luzon — partikular sa National Capital Region (NCR), Timog Luzon, Gitnang Luzon, at Hilagang Luzon. Samantala, 23% ng mga kalahok ang hindi sigurado sa kanilang panig, habang 20% lamang ang pumabor sa naging aksyon ng Senado. Ang mga sumang-ayon ay karamihang nagmula sa Rehiyon ng Davao at Hilagang Mindanao.

Hindi Pangkaraniwang Hakbang ng Senado

Itinuturing ng ilang mamamayan na isang “hindi pangkaraniwang hakbang” ang ginawa ng Senado na hindi agad ituloy ang paglilitis ng impeachment, bagay na labag umano sa nakasaad sa Konstitusyon ayon sa 23% ng mga tumutol. Dagdag pa rito, 22% ng mga hindi sumang-ayon ang nagsabing ito ay isa lamang delaying tactic ng Senado.

“Innocent Until Proven Guilty”

Samantala, 25% ng mga respondent na tutol sa desisyon ng Senado ang naniniwalang walang kasalanan si VP Duterte sa mga paratang na kabilang sa Artikulo ng Impeachment — tulad ng betrayal of public trust at graft and corruption. Giit nila, dapat gamitin ni Duterte ang Impeachment Trial bilang plataporma upang linisin ang kanyang pangalan at ipagtanggol ang sarili laban sa mga akusasyon.

Detalye ng Survey

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile-based application ng Tangere at may kabuuang 1,200 na kalahok. Gumamit ito ng Stratified Random Sampling (Quota Based Sampling) na may margin of error na +/- 2.77% sa 95% na antas ng kumpiyansa. Ang mga kalahok ay kinatawan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa: 12% mula sa NCR, 23% mula sa Hilagang Luzon, 22% sa Timog Luzon, 20% sa Visayas, at 23% sa Mindanao.

Ang Tangere ay isang award-winning na kumpanya sa larangan ng teknolohiya at market research, at kasapi ng Marketing and Opinion Research Society of the Philippines (MORES), European Society for Opinion and Marketing Research (ESOMAR), at Philippine Association of National Advertisers (PANA).

Para sa topline report at karagdagang analisis ng pag-aaral na ito, maaaring makipag-ugnayan sa Tangere sa pamamagitan ng email: qual@tangereapp.com.#

Latest

Payatas Barangay Officer Suspended After Viral Assault Video

The Barangay Council of Payatas has issued a strong...

DBS and Ant Expand Strategic Fintech Partnership

In a strategic move set to redefine digital finance...

Fresh, Affordable, & Direct: The M.R. Sunga Manukan Promise

In the daily hunt to put a quality meal...

Engineer Calls for Protection of Sierra Madre, the Country’s Vital “Shield”

In a public appeal, Engr. Roberto Lozada is urging...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Philippines Fights Diabesity with Smart Solutions

For millions of Filipinos, the rhythm of modern life...
spot_imgspot_img

Payatas Barangay Officer Suspended After Viral Assault Video

The Barangay Council of Payatas has issued a strong public condemnation of a recent incident involving one of its security personnel, following the circulation...

DBS and Ant Expand Strategic Fintech Partnership

In a strategic move set to redefine digital finance across Asia, DBS Bank and Ant International have announced a significant expansion of their partnership...

Fresh, Affordable, & Direct: The M.R. Sunga Manukan Promise

In the daily hunt to put a quality meal on the family table, a common question arises for every budget-conscious shopper: "Naghahanap ka ba ng...