Magsasagawa ng protesta laban sa Genocide ang iba’t ibang samahan mula sa magkakaibang rehiyon sa Pilipinas ang Solidarity to Oppose Wars Coalition Philippines ( Stop the War Coalition -Philippines) bukas, ika-17 ng Pebrero 2024.
Ang pagkilos na ito ng pagkakaisa ay bilang tugon sa panawagan para sa mga pandaigdigang organisasyon para sa isang Global Day of Action Against Genocide.
Magmamartsa sila mula sa Plaza Miranda pagsapit ng 9:30 ng umaga dederetso sa Liwasang Bonifacio para sa picket rally ang mga grupo alas-10 ng umaga suot ang headgear na sumasalamin sa bandila ng Palestine at mga naka-itim na kamiseta.
Samantala sa Cebu Stop the War Coalition sa pakikipagtulungan ng Artists Movement Against War ay magkakaroon ng lighting protest sa Ebuen Air Base, isa pang flash protest sa Metro Colon pagsapit ng 10 AM, at isang Gig Against War sa People’s Center, Pelarz Street, Cebu City pagsapit ng 5pm-9pm.
Habang sa Negros Stop the War Coalition ay sasamahan ng Free Palestine Movement at Bonyog, magkakaroon ng kilos-protesta sa Bacolod Fountain of Justice mula 9am hanggang 10:30am.
Ang nasabing sabay-sabay na kilos protesta ay bunsod ng patuloy na immoral at hindi makataong pagpatay sa mamamayan ng Palestinians ng bansang Israel. Panawagan ni Atty. Vigie Suarez, Itigil nang Estados Unidos ang pagbibigay ng armas sa Israel. Kailangan din umanong magkaisa na kondenahin ang ginagawa ng Estados Unidos at ng Israel sa malawakang pagpatay sa Palestine at papalawig ng kaguluhan sa maraming bansa kabilang na dito ang bansang Tsina para pagkakitaan.#