PATULOY NA PAGTUTULUNGAN PARA SA KAPAKANAN NG MANGGAGAWA. Tinanggap ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang mga gamit pang-eskwela para sa mga anak ng mga Pilipinong kasambahay noong ika-17 ng Enero sa tanggapan ng DOLE sa Intramuros, Maynila.
Personal na iniabot ni FFCCCII Chairperson Stanley Sy (pang-apat mula sa kaliwa) ang 60 school supplies package kina Undersecretary Atty. Benjo Santos M. Benavidez ng DOLE-Workers Welfare and Protection Cluster (pangatlo mula sa kanan), Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay (pangalawa mula sa kaliwa), at DOLE Bureau of Workers with Special Concerns Director Ahmma Charisma Lobrin-Satumba (pangalawa mula sa kanan).Ibinigay ang mga donasyong gamit pang-eskwela, na naglalaman ng mga pangsulat, coloring material, notebook, at geometric measuring tools, sa mga anak ng mga kasambahay sa ginanap na pagdiriwang ng 2024 Araw ng Kasambahay sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City noong ika-18 ng Enero 2024. (Kuha ni Alejandro P. Echavez, DOLE-IPS)