Sa pagkakapasa ng Sin Tax Reform Law at ng Graphic Health Warnins (GHW) Law, umaasa ang grupong New Vois Association of the Philippines (NVAP) na magpapatuloy ang pagsuporta ni Pang. Benigno Aquino III sa kanilang adhikain kontra sa paggamit ng tobacco.
Ani ni NVAP President Emer Rojas, umaasa sila na ang administrasyon ni P-Noy ay patuloy na susuporta sa pagpuksa sa paggamit ng sigarilyo sa bansa gayundin ang ang pagtulong na mailayo ang mga Pilipino sa mga sakit na nakukuha mula sa paggamit ng sigarilyo.
Kabilang sa tatlong pamamaraan para sa endgame strategy, ani ni Rojas, ay ang pagtaas ng buwis para sa mga produktong tobacco, paglalagay ng GHWs sa pakete ng mga sigarilyo at ang pagsusulong ng smoke-free na kapiligiran.
Ayon sa masusugid na anti-smoking advocates, upang masunod ang ganitong mga patakaran, kinakailangan ang suporta ng awtoridad gayundin ang mga manufacturer ng tobacco upang maayos itong maimplementa sa lahat.
Ang ilan pa sa mga istratehiyang iminungkahi ay ang pagbabawas ng nicotine sa mga non-addictive levels; pag-aalis ng cancer-producing substances; pagba-ban sa mga maramihang bersyon ng parehong produkto; pagkontrol sa pagbebenta ng mga sigarilyo; pagbibigay ng smoker’s license na kailangang i-renew taun-taon; limitahan ang bilang ng mga tindhang nagbebenta ng produktong tobacco; standardized packaging na tanging pangalan lamang ng brand ang nakasulat; at ang pagtigil ng libreng serbisyo sa lahat ng smokers. Ang mga nasabing istratehiya ay nakokonsidera na sa ibang bansa.
Ayon kay Rojas, ang naturang aksyon ay kinakailangan bilang isang miyembrong bansa ng WHO Framework Convention on Tobacco Control (FCTC).
Sa pamamagitan ng mga iminumungkahing aksyon, maaaring maibaba ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa gayundin ang casualties na dulot nito.
Ayon pa sa Tobacco Atlas, mahigit sa 505,600 na kabataan ang at mahigit 15,570,000 naman na nakakatanda ang patuloy sa paningarilyo. Sinabi rin na, mahigit 71, 850 Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo gaya ng cancer, cardiovascular diseases, chronic respiratory diseases at diabetes. (Freda Migano)