Feature Articles:

Manila Water, muling sumuporta sa Oplan Brigada Eskwela (Filipino version)

Muling sinuportahan ng Manila Water, ang silangangang konsesyunaryo ng tubig at alkantarilya, ang programang Oplan Balik-Eskwela ng Department of Education (DepEd) bilang paghahanda ng ahensiya sa pagbubukas ng klase ngayong unang araw ng  Hunyo.
Bilang aktibong kabalikat ng Oplan Balik Eskwela, patuloy na isinasagawa ng Manila Water ang proyektong “Lingap Eskwela” na layong makapagbigay ng malinis, ligtas at maiinom na tubig sa pamamagitan ng paglalagay ng mga drinking fountains at wash areas pati na rin ang serbisyong sanitasyon sa mga eskwelahan sa silangang konsesyunaryo.
Binigyang-diin ni Manila Water Customer Stakeholder Manager Prevelyn Gazmen ang layunin ng kumpanyang siguruhing makapagbigay ng maayos na serbisyong patubig at nagamit na tubig sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo. Ani Gazmen, umabot na sa 265 ang naisakatuparan ng Manila Water na proyektong Lingap Eskwela sa buong nasasakupan nito.
Bukod pa dito, tumulong rin ang Manila Water sa pagkukumpuni ng mga silid-aralan sa mga paaralan at sinigurong maayos ang lahat ng proyektong isinasagawa katulad ng excavation at pipelaying activities na malapit sa eskwelahan upang siguruhin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at upang hindi ito makasagabal sa daloy ng trapiko sa lugar.
Ang Manila Water ay pribadong konsesyunaryo ng MWSS at nagseserbisyo sa silangang bahagi ng Kalakhang Maynila pati na rin ang lalawigan ng Rizal.
Brigada Photo 2
Posted by: Freda Migano

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...