Feature Articles:

S&T Fellows Program: pagsanib puwersa ng gobyerno-akademiko-industriya para palakasin ang manggagawa ng STI

Itinampok ang mga inobasyon at interbensyon, na nakamit sa...

SocMed kailangan nang iparehistro sa Comelec kung gagamitin para sa pagkampanya

Hinihikayat ang mga partido pulitikal at kandidato na gumagamit...

92 PHEIs na binigyan ng autonomous at deregulated status ng CHED

Nabigyan ng autonomous at deregulated status ng Commission on...

P-Noy Nagtalaga ng Bagong Mamumuno sa PhilRice

Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Dr. Eufemio Rasco, isang plant breeder at academician, bilang bagong Executive Director ng Philippine Rice Research Institute o PhiRice noong July 4, kapalit ni Atty. Ronilo Beronio.

Samantala, pinangunahan naman ng Kalihim ng Agrikultura na si Proceso Alcala ang seremonya ng panunumpa ni Rasco bilang bagong ED ng PhilRice  noong July 13 sa kanyang opisina.

Sa isinagawang turnover ceremony noong July 18, nabanggit ni Rasco ang ilang bilin ni Kalihim Alcala sa kanya at ito ay ang kasiguruhan ng suporta ng PhilRice sa adhikain ng administrasyong Aquino na makamit ang kasapatan ng suplay ng bigas sa taong 2013. Kabilang dito ang pagkakaroon ng mataas na kalidad ng binhi at ang pagdebelop at pag-alinsunod ng mga teknolohiya para sa mga lupang katihan o upland rice farming.

Si Rasco ay nakatanggap na rin ng maraming gawad mula sa mga prestihiyosong organisasyon tulad ng National Academy of Science and Technology o NAST at Philippine Jaycees dahil na rin sa mga kontribusyon niya sa larangan ng plant breeding at agricultural education.

Nagtrabaho na rin siya sa mga kilalang institusyon tulad ng University of the Philippines Mindanao bilang propesor at dean, International Potato Center bilang coordinating scientist, Institute of Plant Breeding bilang direktor, at East-West Seed Company bilang founding director at miyembro ng board. Sa mga institusyong ito isinagawa ni Rasco ang mga komprehensibong pag-aaral at panunuri sa mga gulayan, patatas at kamote, mga di napakikinabangang pananim, dalisdis na pagtatanim, at pagpapanatili ng modernong agrikultura. Maliban dito, nakapaglathala na rin siya ng kanyang mga inaral sa mga libro sa ibang bansa, gayundin nakagawa rin siya ng general education course sa plant biotechnology kung saan ito ang pinakauna sa Pilipinas.

Maliban sa mga nabanggit, si Rasco ay nagtapos ng Agrikultura sa University of the Philippines Los Banos, Laguna bilang magna cum laude at doctorate degree naman sa plant breeding sa Cornell University, Ithaca, New York, USA.

Si Rasco ang ika-apat na Executive Director ng PhilRice. Yen Solsoloy, PhilRice

Latest

S&T Fellows Program: pagsanib puwersa ng gobyerno-akademiko-industriya para palakasin ang manggagawa ng STI

Itinampok ang mga inobasyon at interbensyon, na nakamit sa...

SocMed kailangan nang iparehistro sa Comelec kung gagamitin para sa pagkampanya

Hinihikayat ang mga partido pulitikal at kandidato na gumagamit...

Research Grant ng halos 1Milyon ibinigay para mapahusay ang pagpapasuso sa Zamboanga Peninsula

Ang eksklusibong pagpapasuso ay ang pinakamabisang paraan para mapahusay...

92 PHEIs na binigyan ng autonomous at deregulated status ng CHED

Nabigyan ng autonomous at deregulated status ng Commission on...

Newsletter

spot_img

Don't miss

Umabot sa pinakamataas na record ang mga nasamsam na peke ng NCIPR noong Ene-Sept 2024

Ang 15-miyembro ng National Committee on Intellectual Property Rights...
spot_imgspot_img

S&T Fellows Program: pagsanib puwersa ng gobyerno-akademiko-industriya para palakasin ang manggagawa ng STI

Itinampok ang mga inobasyon at interbensyon, na nakamit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga institusyong pang-akademiko, at mga manlalaro...

SocMed kailangan nang iparehistro sa Comelec kung gagamitin para sa pagkampanya

Hinihikayat ang mga partido pulitikal at kandidato na gumagamit ng digital election campaign materials na magparehistro sa Commission on Elections. https://youtu.be/spbfTA0D6W8 Ayon kay Atty. Mazna Lutchavez,...

Research Grant ng halos 1Milyon ibinigay para mapahusay ang pagpapasuso sa Zamboanga Peninsula

Ang eksklusibong pagpapasuso ay ang pinakamabisang paraan para mapahusay ang nutrisyonal na kalusugan ng mga batang wala pang limang taong gulang. Ang hindi sapat...