Feature Articles:

Manila Water leads tree planting activities in crucial watersheds under Pasibol program

On its continued commitment to ensure water security and...

Manila Water ramps up new water and sewer connections in first half of 2024

In its bid to expand its water and wastewater...

Agarang aksyon ng mga bansa sa Asya Pasipiko para bawasan ang panganib ng kalamidad

Ang mabilis at sama-samang pagkilos ng mga bansa sa...

SPEED LIMIT SA LAHAT NG KALSADA, IMINUNGKAHI SA QC COUNCIL

Mga kalsada sa Quezon City, dapat lagyan ng kanya-kanyang speed limits para sa lahat ng sasakyan.

Sa isang panukalang resolusyon, iminungkahi ni Konsehal Eufemio C. Lagumbay kay Mayor Herbert Bautista na bumuo ng task force na siyang magsasagawa ng pag-aaral sa ipapataw na speed limits sa lahat ng kalsada sa Quezon City.

Sinabi ni Lagumbay na  dala na rin sa dami at patuloy na pagtaas ng bilang ng mga sasakyan, halos lahat ng daanan, mula national o main roads hanggang side streets ay dinadaanan na ng mga ito.

Ang paggamit aniya sa mga nasabing side streets tuwing rush hours at trapik ay madalas na ginagawa ng mga drivers na nakadaragdag sa panganib para sa mga residente ng Quezon City.

Kadalasan, mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa mga maliliit na kalsada lalo na kapag wala  gaanong trapik sa mga daanang ito, ayon kay Lagumbay.

Iminungkahi niya na ang mga malalaking kalsada o major roads tulad ng E. Rodriguez, Quezon Avenue, East, Timog Avenue, West/North Avenue, Quirino Hi-way, Kalayaan, Aurora Boulevard, Katipunan, Visayas, Mindanao, Roosevelt, University Avenue at Congressional Avenue aay dapat na lagyan ng speed limit na 60 kph.

Sinabi rin niya na ang mga maliliit na kalsada o side streets na ginagamit na alternatibong daan ay dapat na lagyan din ng mas mababang speed limits.

Sinabi ng konsehal na ang kaligtasan at proteksyon ng mga residente ng lungsod ang pangunahing pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan kung kaya importante na magtulung-tulong ang mga ahensiya para masigurong naipapaabot ang serbisyo publiko sa mamamayan.

Ang panukalang task force ang siyang magsasagawa ng pag-aaral sa ipapatupad na speed limits sa lahat ng kalsada sa loob ng hurisdiksyon ng siyudad.

Matatandaan na nagpatupad ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng speed limit na 60 kph sa mga dumadaang sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City dahil sa naganap na ilang aksidente roon.

Isa sa mga naging biktima ng aksidente roon ay si veteran journalist Lourdes ‘Chit’ Estella Simbulan na namatay nitong Mayo matapos bumangga sa sinasakyan niyang taxi ang isang pampasaherong bus malapit sa UP Technohub, Diliman, Quezon City.

Ang 12 kilometrong kalsada na may 18 lanes ay pinakamalapad na kalsada sa Pilipinas, at tinalo pa nito sa luwag o lapad ang Edsa. -30- Divine/ Maureen Quinoñes, PAISO

Latest

Pinakamahusay na mga kumpanya na pagtrabahuhan, 3-taon nakamit ng USANA

Muling pinarangalan ng prestihiyosong HR Asia Award ang USANA...

Manila Water leads tree planting activities in crucial watersheds under Pasibol program

On its continued commitment to ensure water security and...

Manila Water ramps up new water and sewer connections in first half of 2024

In its bid to expand its water and wastewater...

Agarang aksyon ng mga bansa sa Asya Pasipiko para bawasan ang panganib ng kalamidad

Ang mabilis at sama-samang pagkilos ng mga bansa sa...

Newsletter

spot_img

Don't miss

Hillspa Resort: The ideal team building and workshop venue for SMEs

If you are a small to medium-sized company looking...
spot_imgspot_img

Pinakamahusay na mga kumpanya na pagtrabahuhan, 3-taon nakamit ng USANA

Muling pinarangalan ng prestihiyosong HR Asia Award ang USANA Philippines sa pagiging isa sa Best Companies to Work For in the Philippines. Natanggap ng...

Manila Water leads tree planting activities in crucial watersheds under Pasibol program

On its continued commitment to ensure water security and environmental protection, Manila Water kicked-off this year’s implementation of its multi-stakeholder tree planting program Pasibol...

Manila Water ramps up new water and sewer connections in first half of 2024

In its bid to expand its water and wastewater services to the East Zone of Metro Manila and Rizal, Manila Water has successfully installed...