Feature Articles:

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

8 KABATAAN TUMANGGAP NG SCHOLARSHIP PROGRAM MULA SA DAREFI

WALO na namang kabataan na anak ng mga miyembro ng DAR Emloyees Foundation Inc. (DAREFI) ang muling nabiyayaan ng tulong pinansiyal bilang iskolar ng nasabing foundation sa pagbubukas ng klase ngayong taong 2011.

Ang mga kabataan na tumanggap ng Scholarship program mula sa DAREFI ay sina Donabelle Gadgad, (DAR-Benguet); Roxette Anne Mananes, (DAR-Tarlac); Charlene Babra, (DAR-Laguna); Ysmael Candelario, (DAR-Occidental Mindoro); Evanne Dominique Araojo, (DAR-Catanduanes); Vic Steven Muyalde, (DAR-Bohol); Rez Angeli Pugoy, (DAR-South Bukidnon) at Klivonne John Santoyo, (DAR-Misamis Oriental)

Pinangunahan ni DAREFI President at Chairman Violeta “Ying” M. Bonilla ang pagbibigay ng Cash Checks sa mga napiling iskolar na nagkakahalaga ng sampung libong piso(10,000) bilang paunang tulong pinansiyal para sa pambili ng gamit sa pag-aaral, uniporme, at iba pang kakailanganin sa pagsisimula ng klase at pagpapa-enroll sa mga paaralan na nais nilang pasukan. Ang nasabing seremonya ay sinaksihan ng mga magulang at ng DAREFI Board of Trustees na ginanap kamakailan.

Ang bawat iskolar ng DARE Foundation, Inc. ay tumanggap ng inisyal na P10,000.00 sa kabuuang P 20,000.00 hanggang P 40,000.00 para sa isang buong taon na pag-aaral.  Ang susunod na halaga ay nakabase sa sisingilin ng paaralan sa anumang apat (4) na taong kurso na nais kunin ng bawat estudyante, ang DAREFI na mismo ang magbibigay ng kabuuang bayad sa sa kanilang pinasukang unibersidad.

Ayon kay Bb. Bonilla sakaling hindi makapagtapos ang estudyante sa apat (4) na taong kurso, ma-oobliga umano ang mga magulang nito na ibalik ang perang ipinagkaloob sa kanila ng DAREFI at kung sakaling lumampas naman  ng 4 na taon, ang mga magulang na ang gagastos sa kanilang pag-aaral hanggang sa makatapos. Ito aniya ay upang masiguro na pahahalagahan ng bawat estudyante at magulang ang ipinagkaloob nilang tulong pinansyal para matiyak na sila ay makakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Una nang ginawa ng DAREFI ang pag bibigay ng tulong pinansiyal sa mga napiling maging iskolar noong nakaraang taon bago magpasukan at sa ngayon nga ang pangalawang taon na kung saan 8 iskolar ang makapag-aaral ng libre.

Sinabi pa ni Bb. Bonilla na hindi lamang ito ang programa na  ipinagkakaloob ng DAREFI sa mga kawani ng pamahalaan lalo sa mga empleyado ng DAR, na ang layunin ay maihanda ang mga kasamahan at pamilya nito sa pagtatapos ng programang agraryo sa 2014. RAFFY RICO

Latest

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

Health Officials Rally Behind Sodium Reduction Bill as Premature Deaths from Hypertension, Kidney Disease Soar

Health officials and medical societies are throwing their weight...

Newsletter

spot_img
spot_img
spot_img

Don't miss

IRDF Chief: Rice Supply to Collapse in 6 Months – Govt Must Act Now

NFA buffer stock only 100,000 MT vs. needed 300,000...
spot_imgspot_img

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a "whole-of-nation approach" to solve the country's worsening transportation crisis, as the motorcycle taxi giant announced...

P150 Million Socio-Civic Center Breaks Ground in Catanduanes: A New Era for Disaster Resilience and Digital Learning

PAGCOR team arrives on island province to survey site for multi-purpose facility that will serve as evacuation center, e-learning hub, and community wellness space—all...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by nearly 8% in Q2 2026, with dissatisfaction rising by almost 10%, according to an April...