Magbibigay ang Komisyon sa Wikang Filipino ng 25% deskuwento sa piling publikasyon sa darating na 11 Agosto 2017, 8:00nu–5:00nh. Sa araw ding iyon ay ilulunsad din ng KWF ang mga bagong publikasyon. Binubuo ito ng salin ng panitikan ng mga rehiyon, mga klasikong akda ng daigdig, at pananaliksik sa wika at kultura.
Bukod sa paglulunsad ay magkakaroon din ng talakayan, sisimulan ng 9:00nu-12:00nt ni Dr. Isaac Donoso ng Unibersidad de Alicante, España. Magiging paksa ng kaniyang panayam ang tungkol sa Mindanao at sa kaniyang aklat na Islamic Far East: Ethnogenesis of Philippine Islam. Susundan naman ito ng talakayan sa Pagsasalin ng Karunungan, tampok ang mga manunulat nat tagasalin na sina Edgardo Maranan, Joaquin Sy, at Roy Rene Cagalingan.
Gaganapin ang talakayan at paglulunsad sa tanggapan ng KWF, Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, Malacañang Complex, San Miguel, Maynila. Bukás ito sa publiko. Ang pagbebenta ng mga aklat ay mula 9:00nu-5:00nh. Para sa mga tanong at detalye, maaaring makipag-ugnayan sa KWF sa telepono bilang (02)2521953 o sa dendenqnipes@gmail.com. Maaari ding bisitahin ang www.kwf.gov.ph.