Feature Articles:

Isko nangunguna sa pagka-Mayor ng Maynila ayon sa surbey ng Tangere

Nangunguna si dating Mayor ng Maynila Isko Moreno Domagoso...

Lambino Denounces NBI Complaint as Political Harassment

PDP-Laban senatorial bet Atty. Raul Lambino on Monday (April...

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Trade sa Rehiyon “Hindi...

SUNOG SA AGHAM ROAD SA LIKOD NG MGA BALITA . . .

Mahigpit na kinukundena ng grupong KADAMAY, militanteng grupo ng maralitang lungsod, ang bagong insidente ng sunog sa mga kabahayan ng maralita sa kahabaan ng Agham Road. Tinatayang aabot sa 5000 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog at maaaring lumaki pa ang bilang.

Bagamat aminado ang grupo na di pa malaman ang sanhi ng nasabing sunog, hindi maiaalis sa grupo at mga residente dito na posible itong sinadya dahil ang lugar ay isa sa target ng gubyerno na i-demolish dahil ito ay nasa paligid ng mga ahensya ng gubyerno na balak isapribado. Ito din diumano ay nakatayo sa isang “danger zone”.

Gaya ng ilang beses na panununog sa  katabi nitong Sitio San Roque, para din maalis ang mga naninirahan dahil sa proyektong QC-CBD, laging bukas anumang oras ang posibilidad ng mga ganitong pakana para maisakatuparan ang kanilang matagal ng plano “sa ngalan diumano ng mga proyektong pangkaunlaran”.

Nanawagan ang grupo sa lahat ng maralita lalo na sa mga nakatira sa paligid ng apektadong lugar na tulungan ang mga pamilyang nasunugan sa paglilikas ng mga gamit at ari-arian sa mga itinakdang “temporary shelter” ng lokal na pamahalaan hanggang sa pagtatayo muli ng mga bahay. “Ang paglaban sa demolisyon ay laban ng lahat ng maralita, kaya napakahalaga ng ating pagkakaisa”, ani ng grupo.

Samantala, pinagbabantay din ng grupo ang mga residente na maging handa sa posibleng paggamit ng gubyerno sa insidente para paalisin sila sa lugar. “Tanggapin nila ang anumang tulong ng gubyerno pero ‘wag silang papayag sa anumang kapalit na magpapaalis sa kanila sa lugar,” pagtatapos ng grupo. Nanawagan ang grupo sa publiko at iba pang nagmamalasakit na maging bahagi sa paglulunsad ng kagyat na “relief and rehabilitation operations” para sa mga apektado ng sunog. 

Mahigpit na kinukundena ng grupong KADAMAY, militanteng grupo ng maralitang lungsod, ang bagong insidente ng sunog sa mga kabahayan ng maralita sa kahabaan ng Agham Road. Tinatayang aabot sa 5000 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog at maaaring lumaki pa ang bilang.

Bagamat aminado ang grupo na di pa malaman ang sanhi ng nasabing sunog, hindi maiaalis sa grupo at mga residente dito na posible itong sinadya dahil ang lugar ay isa sa target ng gubyerno na i-demolish dahil ito ay nasa paligid ng mga ahensya ng gubyerno na balak isapribado. Ito din diumano ay nakatayo sa isang “danger zone”.

Gaya ng ilang beses na panununog sa  katabi nitong Sitio San Roque, para din maalis ang mga naninirahan dahil sa proyektong QC-CBD, laging bukas anumang oras ang posibilidad ng mga ganitong pakana para maisakatuparan ang kanilang matagal ng plano “sa ngalan diumano ng mga proyektong pangkaunlaran”.

Nanawagan ang grupo sa lahat ng maralita lalo na sa mga nakatira sa paligid ng apektadong lugar na tulungan ang mga pamilyang nasunugan sa paglilikas ng mga gamit at ari-arian sa mga itinakdang “temporary shelter” ng lokal na pamahalaan hanggang sa pagtatayo muli ng mga bahay. “Ang paglaban sa demolisyon ay laban ng lahat ng maralita, kaya napakahalaga ng ating pagkakaisa”, ani ng grupo.

Samantala, pinagbabantay din ng grupo ang mga residente na maging handa sa posibleng paggamit ng gubyerno sa insidente para paalisin sila sa lugar. “Tanggapin nila ang anumang tulong ng gubyerno pero ‘wag silang papayag sa anumang kapalit na magpapaalis sa kanila sa lugar,” pagtatapos ng grupo. Nanawagan ang grupo sa publiko at iba pang nagmamalasakit na maging bahagi sa paglulunsad ng kagyat na “relief and rehabilitation operations” para sa mga apektado ng sunog.-30- Carlito Badio, KADAMAY Vice President

Latest

Isko nangunguna sa pagka-Mayor ng Maynila ayon sa surbey ng Tangere

Nangunguna si dating Mayor ng Maynila Isko Moreno Domagoso...

Lambino Denounces NBI Complaint as Political Harassment

PDP-Laban senatorial bet Atty. Raul Lambino on Monday (April...

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Trade sa Rehiyon “Hindi...

Newcomers Make Strong Showing in Latest Tangere Party-List Survey Ahead of 2025 Elections

Several new party-lists are gaining ground ahead of the...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Scheme of Fear and Lies: Rillo, Falcis, Orate Named in Witness Account

In a surprising twist to the vote-buying allegations against...
spot_imgspot_img

Isko nangunguna sa pagka-Mayor ng Maynila ayon sa surbey ng Tangere

Nangunguna si dating Mayor ng Maynila Isko Moreno Domagoso sa 2025 Tangere City of Manila Mayoral Preferential Survey ilang linggo bago ang halalan sa...

Lambino Denounces NBI Complaint as Political Harassment

PDP-Laban senatorial bet Atty. Raul Lambino on Monday (April 21) decried what he called political harassment following a complaint filed by the National Bureau...

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Trade sa Rehiyon “Hindi lang ito basta mga numero — ito ay kabuhayan ng mga tao,” ani Chinese Ambassadir...