Sa ika-apat na araw ng National Science and Technology Week (NSTW), itatampok ng Department of Science and Technology’s Philippine Science High School (DOST-PSHS)System ang kanilang Robotics and Interactive Science Exhibit. Ang exhibit na ito ay pinamagatang “Pisay, maka-Science dito!”.
Ipapakita ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang regional campuses ng PSHS ang kanilang mga nakakaaliw na robotics at interactive science inventions.
Isa rin sa mga mahalagang bahagi ng NSTW ay ang “Grassroots S&T Program: Working with the Community in Developing S&T Enthusuiasts” na nilahukan ng piling 20 elementary at highschool students ng Brgy. Pag-asa, Quezon City. Sa aktibidad na ito, dadalhin ng PSHS System ang mga napiling mag-aaral sa SMX Convention Center sa July 27 upang ipakita ang mga DOST exhibits at dumalo sa mga career-related talks ng programa. Matapos nito, dadalhin din sila Manila Ocean Park mapanood ang Clash of Class, isang science competition para sa mga high school students.
Layon ng activity na ito na mapalawig ang karanasan ng mga mag-aaral, bigyan ng kaalaman ang komunidad sa mga iba’t-ibang DOST-related programs and projects. (Freda Migano)