Feature Articles:

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

SSS: 93% ng Reklamo sa Red Tape Naluttas ayon sa ARTA Standards

Naglabas ng pahayag ngayong araw ang Social Security System (SSS) upang linawin ang mga ulat na kinilala ito bilang isa sa mga ahensyang may pinakamaraming reklamo kaugnay ng red tape o mabagal at pahirap na serbisyo.

Ang pahayag ay sumunod sa pagbanggit ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa harap ng Senado, sa pagdinig ng proposed budget nito, ng datos mula Enero hanggang Agosto 2025 kung saan nakalista ang SSS sa mga ahensyang may mataas na bilang ng reklamong natanggap.

Sa isang pahayag, tiniyak ni SSS President at CEO Robert Joseph Montes De Claro na sineseryoso ng pamunuhan ang mga feedback at patuloy na nagsusumikap para sa mas maayos na serbisyo.

Validation at Mataas na Resolution Rate, Diin ng SSS

Ayon kay De Claro, nakikipag-ugnayan na ang SSS sa ARTA upang patunayan ang ulat na may 244 reklamo. Gayunpaman, iginiit niya na batay sa sariling pagsubaybay ng SSS sa mga referral mula sa ARTA, lahat ng reklamo sa nasabing panahon ay naaksyunan at naresolba na alinsunod sa pamantayan ng ARTA, na may resolution rate na 99.3%.

“Para sa panahong sakop ng presentasyon ng ARTA sa Senado, subaybayan ng SSS ang kabuuang halos 474,000 emails at buong sikap naming tinatapos ang mga ito alinsunod sa pamantayan ng ARTA,” pahayag ni De Claro.

Mga Pangunahing Dahilan ng Reklamo

Inisa-isa rin ng pinuno ng SSS ang mga pangunahing pinagmumulan ng mga reklamo:

  1. Serbisyo sa Branches: Pagpila at paulit-ulit na pagbisita sa tanggapan para sa mga benepisyo.
  2. Programang Pautang: Kaugnayan ng Salary Loan at Calamity Loan, partikular ang kahirapan sa aplikasyon ng calamity loan at mga hamon sa eligibility requirements. Giit ni De Claro, pinaigting na ngayon ang mga programang ito na may mas mababang interest rate.
  3. Mga Kontribusyon: Hindi pagre-remit ng mga employer at mahabang paghihintay para sa manual verification.

Committee on Anti-Red Tape at Iba Pang Aksyon

Pinaalala ni De Claro na simula pa noong Hunyo 2021, mayroon nang itinatag ang SSS na Committee on Anti-Red Tape (CART) na may tungkuling mabilis na tumanggap at sumagot sa mga reklamo at feedback.

Ang mga reklamong ito ay natatanggap ng SSS sa pamamagitan ng hotline 1455, corporate email, postal mail, referrals mula sa iba’t ibang ahensya kabilang ang ARTA, at sa mga SSS branch. Nagsasagawa rin ang ahensya ng social media at news monitoring para sa mga isyung may kinalaman sa kanila.

“Pinahahalagahan namin ang transparency at accountability sa lahat ng aming operasyon. Habang kinikilala namin ang kahalagahan ng mga ulat na ito, nais naming tiyakin sa aming mga miyembro na ang bawat isyu na ibinabahagi sa aming mga channels ay aksyunan hanggang sa maresolba. Ang aming pakikipagtulungan sa ARTA ay sumasalamin sa aming pangako na pagbutihin ang aming mga proseso at maghatid ng mahusay na serbisyo,” dagdag ni De Claro.

Patuloy na Reporma at Digitalisasyon

Naninindigan ang SSS sa layunin nitong magbigay ng mabilis, mahusay, at transparenteng serbisyo. Patuloy na ipinatutupad ng ahensya ang mga reporma at digital innovations upang mabawasan ang mga bureaucratic delay at mapahusay ang karanasan ng mga miyembro.

Para sa Karagdagang Impormasyon o Feedback:

Ang mga miyembro ay maaaring makipag-ugnayan sa SSS sa pamamagitan ng:

  • Hotline: 1455
  • Email: usssaptayo@sss.gov.ph
  • SSS Branches
  • Website: www.sss.gov.ph
  • Social Media: (Facebook, Instagram, Spotify, Viber, X, at Youtube) sa ilalim ng MYSSSPH handle para sa pinakabagong anunsyo at gabay sa mga programa ng SSS.#

Latest

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by...

Health Officials Rally Behind Sodium Reduction Bill as Premature Deaths from Hypertension, Kidney Disease Soar

Health officials and medical societies are throwing their weight...

Newsletter

spot_img
spot_img
spot_img

Don't miss

IRDF Chief: Rice Supply to Collapse in 6 Months – Govt Must Act Now

NFA buffer stock only 100,000 MT vs. needed 300,000...
spot_imgspot_img

Angkas Cuts Rider Commissions to 18%, Urges Whole-of-Nation Action to Resolve Transport Crisis

Angkas CEO George Royeca on Tuesday called for a "whole-of-nation approach" to solve the country's worsening transportation crisis, as the motorcycle taxi giant announced...

P150 Million Socio-Civic Center Breaks Ground in Catanduanes: A New Era for Disaster Resilience and Digital Learning

PAGCOR team arrives on island province to survey site for multi-purpose facility that will serve as evacuation center, e-learning hub, and community wellness space—all...

Marcos Cabinet Faces Decline in Satisfaction, Trust Ratings for Q2 2026

Public satisfaction with the Marcos administration Cabinet dropped by nearly 8% in Q2 2026, with dissatisfaction rising by almost 10%, according to an April...