Bilang pagtugon sa pangangailangan ng isa sa pinakasikat na tourist destination sa bansa, inilunsad ng Boracay Water ang tinatawag na “Project Lego,” isang hakbangin upang magkaroon ng mas mabilis at maasahang pagsusuri sa tubig para sa mapanganib na bakteryang Legionella.
Ang Boracay Water, na operating unit ng Manila Water Philippine Ventures at concessionaire ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), ang siya na ngayong nag-oopereta ng sarili at direktang pagsusuri para sa nasabing bakterya.
Mapanganib na Bakterya

Ang Legionella ay isang waterborne na bakterya na karaniwang matatagpuan sa mga kapaligiran ng maiinit na tubig tulad ng mga cooling tower, spa, at sistema ng air-conditioning. Kilala ang Legionella na nagdudulot ng Legionnaires’ disease, isang malubhang uri ng pulmonya, at ng Pontiac fever.
Ang Legionella ay isang uri ng bakterya na kadalasang nabubuhay sa mga maiinit na kapaligiran ng tubig tulad ng mga cooling tower, spa, at sistema ng air-conditioning. Ito ay maaaring magdulot ng Legionnaires’ disease, isang malubhang uri ng pulmonya, at Pontiac fever. Bagama’t bihira at isolated ang mga kaso nito sa Pilipinas, patuloy itong binabantayan ng Department of Health (DOH) dahil sa potensyal na panganib nito.
Bilang pangunahing destinasyon ng turismo, nagsusumikap ang mga accommodation establishment sa Boracay na masiguro ang kaligtasan ng tubig upang mapanatili ang magandang karanasan ng mga bisita. Ang pagkalat ng Legionella sa mga hotel at resorts ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa operasyon, pinsala sa reputasyon, at malaking pagkalugi.
Mas Mabilis at Mas Tumpak na Pagsubok
Dati, ang Boracay Water Laboratory Services, isang DOH-accredited na pasilidad, ay nagsasagawa ng pagsusuri para sa Legionella sa pamamagitan ng isang laboratoryo sa Maynila. Upang maging mas episyente at mabilis ang serbisyo, inilunsad nila ang in-house na paggamit ng Legiolert technology.
Ipinagmamalaki ng Boracay Water na sila ang kauna-unahan sa ilalim ng Manila Water at ang tanging laboratoryo sa Western Visayas na gumagamit ng Legiolert. Ang pamamaraang ito, na batay sa pag-detect ng bacterial enzyme, ay nagbibigay ng resulta sa loob lamang ng 7 araw. Mas mabilis ito kumpara sa tradisyonal na paraan na nangangailangan ng 10 araw at maaaring maapektuhan ng ibang bakterya.
Malaking Pag-unlad sa Serbisyo
Dahil sa inobasyong ito, naging mas mabilis ang pagproseso ng mga sample at naiwasan ang mga panganib sa paghawak at pagtransportasyon ng mga ito. Simula noong 2024, ang Boracay Water ay nagsasagawa na ng buwanang pagsusuri at pagmo-monitor ng kalidad ng tubig para sa Legionella sa mga pangunahing establisimyento tulad ng mga hotel at resort sa isla. Sa kasalukuyang taon, umabot na sa 108 samples ang na-analisa ng kanilang laboratoryo.
Ayon kay G. Bryan Magallanes, General Manager ng Boracay Water, “Bilang tagapagbigay ng serbisyo sa tubig at wastewater, nauunawaan namin na magkaugnay ang kalidad ng tubig at kalusugan ng publiko, at ito ay aming siniseryoso. Ang pagpapatupad ng Legionella testing sa aming laboratoryo ay sumasalamin sa aming matatag na pangako na protektahan ang kalusugan ng ating mga komunidad at magbigay ng mahusay na serbisyo. Sa hinaharap, aming tututukan ang pag-imbento at pagbuo ng mga solusyon na tutugon sa mga pagbabagong pangangailangan ng mga taong aming pinagsisilbihan.”#



