Feature Articles:

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Nanawagan ng Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Kalakalan...

Newcomers Make Strong Showing in Latest Tangere Party-List Survey Ahead of 2025 Elections

Several new party-lists are gaining ground ahead of the...

Scheme of Fear and Lies: Rillo, Falcis, Orate Named in Witness Account

In a surprising twist to the vote-buying allegations against...

Comprehensive Third Party Liability (CTPL) dapat itaas, tulong sa naaksidente obligasyon ng kumpanya ng Insurance

Enero 29, 2025 – Itinutulak ngayon ng Land Transportation Office (LTO), sa pakikipag-ugnayan sa Insurance Commission ang mga agresibong reporma sa patakaran sa insurance ng sasakyan, partikular sa Comprehensive Third Party Liability (CTPL) dahil sa mga maliit na claims na nakuha ng mga pamilya ng 4 na nasawi at 25 sugatan sa nangyaring karambola ng mga sasakyan at motor sa Katipunan flyover noong Disyembre 4, 2024 na kinasangkutan ng driver ng truck ng Hermano Oil Manufacturing and Sugar Corporation.

Sa pagpupulong ng grupo nina Insurance Commission Atty. Reynaldo Regalado at LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ginanap noong Enero 28 pinag-usapan ang tungkol sa matagal ata mabagal na paglabas ang mga claim sa seguro sa CTPL at napagkasunduan ang agarang reporma sa patakaran ng pagsiguro ng sasakyan. Kasama ang paghahanap ng mga paraan para matiyak na ang pagtaas ng mga benepisyo ay hindi makakaapekto sa halaga ng premium na aabot sa punto na hindi na ito kayang bayaran ng mga ordinaryong may-ari ng sasakyang de-motor.

Ayon kay Atty. Mendoza, ang CTPL ay nagiging ‘for compliance’ na lamang para sa pagpaparehistro at pag-renew ng sasakyan na animo walang silbi at ni hindi man lang inuusisa o sinusuri ang CTPL sa mga kaso ng aksidente.

“Ang karaniwang paniniwala ay ang CTPL na ito ay walang silbi. Dumating na tayo sa point na it is being taken for granted, ibig sabihin binabayaran lang ito ng mga may-ari ng sasakyan dahil requirement ito sa pagpaparehistro at pag-renew ng sasakyan,” ani Asec Mendoza.

“Sa patnubay ng ating DOTr Secretary Jaime J. Bautista, nais nating baguhin ang pananaw na ito sa mga may-ari ng sasakyan, nais nating gawing may kaugnayan ito,” dagdag niya.

Ibinunyag ni Asec Mendoza na dalawang mahalagang bagay ang napag-usapan: Una, ay ang pangangailangan na dagdagan ang mga benepisyo sa mga kaso ng mga aksidente sa sasakyan.

Tulad ng kaso ng Katipunan Flyover truck accident noong nakaraang buwan, P200,000 lang ang nailabas para sa lahat ng mga biktima—na nangangahulugan din na hahatiin ang halaga sa apat na namatay at sa mahigit 20 iba pa na nasugatan.

Para kay Asec Mendoza, napakaliit ng halaga para mabayaran ang mga kinakailangang gastusin para sa mga nasawi at ang pagpapaospital at gamot para sa mga nagtamo ng malubhang pinsala. Binanggit ni Asec Mendoza ang panukala ni Senador Raffy Tulfo ang pagsama ng pinsala sa ari-arian sa CTPL.

Sa press briefing sa LTO Central Office noong Miyerkules, Enero 29, sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin na nagpadala na sila ng liham sa Insurance Commission noong nakaraang taon na nananawagan para sa pagtaas ng benepisyo sa ilalim ng CTPL.

Isa pang mahalagang bagay na napag-usapan, ayon kay Asec Mendoza, ay ang pagiging maagap ng pagpapalabas ng bayad sa insurance. Paliwanag nito, “kapag may aksidente, ang laking tulong kapag may agad agad na “assistance” mula sa insurance provider kase “timing is everything” sa aksidente. Importante na madala agad sa ospital ang biktima kaya mahalaga ang “immediate assistance”. Ang laking bagay na nito kumparaa sa mag-iisip ka pa kung saan kukunin ang pera na pambayad sa ospital.”

Para sa isang may-ari ng sasakyang de-motor na walang gaanong pera para sa mga pang-emerhensiyang gastos, sinabi ni Asec Mendoza na ang agarang tulong mula sa insurance provider ay mahalaga sa mga kaso ng aksidente sa kalsada.

“Kaya ito ang sinusubukan naming ayusin sa pamamagitan ng pagrepaso sa mga umiiral na patakaran upang higit pang mapabuti ito sa layunin ng agarang pagpapalabas ng tulong mula sa mga tagapagbigay ng seguro,” sabi ni Asec Mendoza.

Bahagi ng solusyon sa usaping ito, ayon kay Asec Mendoza, ay gagawa ng hotline kung saan maaaring tumawag kaagad ang mga motorista para sa mga alalahanin na may kinalaman sa insurance sa oras ng aksidente.

Samantala, pinuri ni Asec Mendoza ang Sterling Insurance para sa pagpapalabas ng P200,000 na bayad sa may-ari ng trak na naaksidente sa kahabaan ng Katipunan Flyover noong nakaraang buwan.

Nangako naman ang kinatawan nasi Edwin Hermano mula sa Hermano Oil Manufacturing and Sugar Corporation na mag-iipon ng karagdagang pondo para tulungan ang mga biktima at sinabing naghihintay din ang Hermano sa mga iba pang sugatan ng trahedya ng Katipunan flyover. Kasalukuyan nakapag-piyensa ang kanilang driver kaugnay sa nangyaring ito.#

Latest

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Nanawagan ng Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Kalakalan...

Newcomers Make Strong Showing in Latest Tangere Party-List Survey Ahead of 2025 Elections

Several new party-lists are gaining ground ahead of the...

Scheme of Fear and Lies: Rillo, Falcis, Orate Named in Witness Account

In a surprising twist to the vote-buying allegations against...

Tatlong kandidato nagtabla sa unang pwesto sa pinakabagong Tangere 2025 Senatorial Preferential Survey

Nagkaroon ng tatlong-kandidatong statistical tie para sa unang pwesto...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben...
spot_imgspot_img

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Nanawagan ng Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Kalakalan sa Rehiyon Sa isang closed-door briefing kasama ang piling mamamahayag sa Pilipinas noong Huwebes, nagbigay ng...

Newcomers Make Strong Showing in Latest Tangere Party-List Survey Ahead of 2025 Elections

Several new party-lists are gaining ground ahead of the 2025 midterm elections, according to the latest preferential survey released by Tangere, an award-winning research...

Scheme of Fear and Lies: Rillo, Falcis, Orate Named in Witness Account

In a surprising twist to the vote-buying allegations against former Quezon City 4th District Representative Bong Suntay, a key witness has now accused individuals...