Feature Articles:

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben...

Sarcoma Cancer: kumplikadong sakit at hamon ng pagsusuri

Ang sarcoma cancer ay isang bihirang at kumplikadong sakit...

NHA iginawad 100 pabahay sa Tribung Subanen sa Zamboanga Del Norte

Iginawad ng National Housing Authority (NHA) ang 100 na pabahay sa mga pamilyang kabilang sa Tribung Subanen sa Zamboanga del Norte bilang pagtupad sa pangako nitong makapaghandog ng matitibay at permanenteng mga tirahan sa mga katutubong Pilipino.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Zamboanga District Officer-in-Charge Atty. John Louie G. Rebollos, kasama si Liloy Mayor Roberto Uy, Jr., ang seremonya ng pamamahagi.

Ang mga pabahay ay may sukat na 24.80 sqm floor area at sadyang itinayo bilang semi-concrete upang labanan ang mga kalamidad na madalas na nakakaharap ng Tribung Subanen sa bulubunduking lugar kung saan sila matatagpuan.

Dagdag pa rito, ang bagong komunidad ay sinigurong maayos at malinis, mayroong solar panel at pangkalahatang hand pump well upang magarantiya ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Matatagpuan sa bayan ng Liloy na tinaguriang “Peanut Capital of Zamboanga del Norte,” ang Liloy Subanen IP Housing Project ay isa sa mga proyektong pabahay ng NHA sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (IPs), na naglalayong magbigay ng pabahay sa mga kapatid nating katutubo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang proyektong pabahay na ito ay ipinatupad bunga ng masusing pag-aaral at sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), mga pinuno ng komunidad at ng lokal na pamahalaan.

Ang Liloy Subanen IP Housing Project ay idinisenyo din nang may pagsasaalang-alang sa mga paniniwala, kaugalian, tradisyon, at kultura ng tribu.#

Latest

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben...

Pagdiriwang sa Siglo ng Asya: Nagniningning ang Pilipinas sa 2025 Asian Winter Games

Patuloy na tinatamasa ng Asya ang panahon ng kapayapaan...

Sarcoma Cancer: kumplikadong sakit at hamon ng pagsusuri

Ang sarcoma cancer ay isang bihirang at kumplikadong sakit...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Komprehensibong Healthcare Insurance para sa mga frontliners isinusulong ng United Frontliners Partylist

Nangako si Retiradong P/Lt. Gen. Rhodel “GenROS” O. Sermonia,...
spot_imgspot_img

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai na ipagdiriwang ng ahensya ang kanilang ika-50 Charter Anniversary sa Hulyo 31, 2025,...

Pagdiriwang sa Siglo ng Asya: Nagniningning ang Pilipinas sa 2025 Asian Winter Games

Patuloy na tinatamasa ng Asya ang panahon ng kapayapaan at kasaganahan sa unang bahagi ng ika-21 siglo—isang yugto na tinatawag ng marami bilang “Siglo...

Clark Water, Nagpapalago ng Sustainable Development sa Clark Freeport Zone sa Pamamagitan ng Strategic Infrastructure Investments

Malinis, maaasahang suplay ng tubig at episyenteng serbisyo sa wastewater ang pundasyon ng tagumpay ng anumang investment hub. Sa Clark Freeport Zone (CFZ) sa...