Feature Articles:

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta ang matagal nang kasunduan o Memorandum of Agreement ang National Press Club at PAO upang tulungan ang mga mamamahayag sa mga usaping legal at kasong kinahaharap nito. Mariin ding binanggit nito na kailanman ay hindi binawi ang kasunduang ito mula pa nang nagsimula syang manungkulan sa nabanggit na tanggapan, mahigit 2 dekada na ang nakaraan.

“Matagal na po yan. Bago pa lang ako sa PAO, nag-MOA na po ang NPC at ang PAO. Kaya lang ang iba po wala na yata dito pero sadyang ganyan, people may come and go pero nananatili na matatag ang Institutional National Press Club at may mga pagkakataon, nagtulungan tayo, nagdamayan.

Kapag kailangang umiral ang ating advokasya, katarungan, laban sa kahirapan. Matitiis natin ang gutom, matitiis natin ang hirap pero ang kawalang hustisya ay mahirap tisin. Kaya bukas po ang aming pintuan sa bisa ng MOA ng National Press Club at PAO na hindi nare-revoke kailanman.”

Ilang personalidad ng media ang tinukoy ni PAO Chief na natulungan ng kanyang tanggapan, bukod pa sa marami ring mga mamamahayag sa ika-72 taong pagdiriwang ng National Press Club ang nagpaabot ng pasasalamat sa nakamtang tulong legal.

“Si Persida Acosta po ay 23 taon na at 9 na buwan na PAO Chief, 4 na Presidente na po ang aking napaglingkuran. Marahil nagtataka kayo bakit si Persida Acosta ay tumagal. Ang akin pong prinsipyo, trabaho lang, walang personalan.

Lalo nga pag inapi ang kapatid sa media, nandyan si Persida Acosta. Halimbawa po si Mr. Ariel Ayala ng Catholic Mass Media, nagkaproblema, nakulong sa isang presinto nandyan si Persida Acosta at alam natin ang kasaysayan ng ating kapatid na si Ted Faylon. Kinailangan si Persida Acosta kailangang magbigay na hustisya, nakalaya si Kuya Ted.”

Nag-iwan din ng pangako si Acosta sa mga mediang dumalo dahil mananatili ang pagtulong ng PAO hindi lamang sa mga media kundi sa mga mahihirap na Pilipinong naghahanap ng hustisya. “Ang amin pong iniisip ay kapayapaan, kaunlaran, pagkakaisa. Magkakaiba man ang opinyon, importante ang ating puso ay para sa pagsulong ng ating inang bayan. At lagi ko pong sinasabi, mula noon hanggang ngayon, si Persida Acosta ay mananatiling hustisya ng masa.”

(L-R)


Nagkaloob din ng pagkilala ang mga opisyal ng National Press Club kay PAO Chief Persida Acosta sa pangunguna ng kasalukuyang Pangulo na si Leonel “Boying” Abasola sa mahusay na pamumuno nito sa Public Attorney’s Office at sa patuloy na paglilingkod ng kanyang tanggapan sa sambayanang Pilipino bilang tagapagtanggol ng mahihirap at tagapagsulong ng kataarungan.

Ang National Press Club ay nagdiwang ng ika-72 taong Anibersaryo ng pagkakatatag nito na may temang “Powering Through at 72” na dinaluhan nina Presidential Communications Office Secretary Cesar B. Chavez, Overseas Worker Welfare Administrator (OWWA) Arnel Ignacio, at mga kaakibat nitong iba’t-ibang organisasyon tulad ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry.#

Latest

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...
spot_imgspot_img

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5% in the latest 2025 Senate Survey of Tangere. Cong. Erwin Tulfo, achieved high voter preference...

Ant International Unveils its Global Sustainability Initiative ‘AquaViva’, Leveraging Digital Innovations and Ecosystem Partnerships for Marine Conservation

In partnership with Conservation International, AquaViva launches its first project – whale shark conservation in Indonesia SINGAPORE, 18 November 2024 – At the UN Climate...

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...