Feature Articles:

BAGONG LABAS NA SUGGESTED RETAIL PRICE (SRP) NG DTI SA DE LATANG SARDINAS KINADISMAYA NG CANNED SARDINES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

NADISMAYA si Francisco “Bombit” Buencamino, Executive Director ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) dahil sa P1.50 lang ang pinayagang taas sa ilang brand ng sardinas sa halip nang hirit nila na P3.00.

Ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP), hindi ito katanggap-tanggap dahil mas mababa na ang SRP kaysa production cost nila, bagay na ikalulugi ng canners. “We’ll ask for negotiation but at P1.50, it’s not acceptable,” ani CSAP Executive Director Francisco Buencamino.

Sa ginanap na buwanang PCAFI-han Usapang Pagkain sa Quezon City, lugi na ang magdedelata ng sardinas dahil sa pagtaas-baba ng langis na pangunahing kailangan sa kanilang operasyon sa paghuli ng isda, dagdag pang pasakit umano ang patakarang ginagawa ng DTI at ang epekto ng 3 buwang close season.

Sinabi ni Buencamino na 2019 pa pinakahuling naaprubahang dagdag presyo sa kanilang produkto gayung halos taun-taon ay nagkakaruon ng serye ng pagtataas sa halaga ng langis at lata.

Binanggit din ni Buencamino na marami na ang nag-pull out ng mga de latang sardinas sa mga supermarket dahil sa ipinapatupad na bawas presyo ng sardinas na P18 na dating P21.

Aniya, maaring dalhin na lang nila ang mga de latang sardinas sa mga sari-sari store o palengke sa halip na supermarket dahil sa mga dagdag charges na ipinapataw sa kanila.

Aminado si Buencamino na maaaring magkaroon ng kakulangan ng sardinas  dahil sa kakulangan ng makukuha nilang tamban sa bansa. Hirap umano silang tiyakin na palakihin ang produksyon dahil 9 na buwan na catching season lang puwede kada taon at ang 3 buwan na dapat ay kumukuha sila sa mga municipal fisherfolks ay hindi naman maaasahan dahil sa hindi pumapasa sa kwalipikasyon o requirement.

Sa kasalukuyan, kaunti umano ang supply ng tamban at hindi pa rin sila nakapangisda dahil closed fishing season pa rin sa Zamboanga hanggang sa katapusan ng Pebrero. May ilang cannery na anila na naubusan ng buffer stock. Bumibili muna anila ang mga sardine producer ng isda mula sa mga probinsiyang hindi sarado, tulad ng Sorsogon.

Nanawagan din ang mga sardine producer sa mga lokal na pamahalaan na payagan silang makapangisda malapit sa dalampasigan at tulungan din ang mga municipal fishermen para matiyak na sariwa pa ang kanilang huling tamban para pumasa sa requirement na ipinapatupad ng CSAP ata BFAR.# (Cathy Cruz)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...