Sa ginanap na press conference kamakailan, nananawagan sa mga mambabatas na maibalik ang pondo na inaprubahan ng mga mambabatas para sa taong 2023.
Ayon sa bagong General Manager ng National Housing Authority, nasa 2 Bilyong Piso lamang umano ang ibinigay na pondo ng lehislatura gayong nasa 5 Bilyong Piso ang pondo sa kasalukuyang taon. Tinukoy din na nang naupo sya bilang pinuno ng ahensya ay halos wala nang pondo ang NHA gayong marami pa ang mga nakabinbin o di natatapos na proyekto.
Tinatayang nasa 32 Bilyong Piso ang inihain nila subalit sa halip na dagdagan dahil sa maraming nakahanay na programa at proyekto na isasagawa ang ahensya ay binawasan pa.
Nanawagan din si GM Tai na tulungan umano sila ng lehislatura na i-extend ang charter ng National Housing Authority na magtatapos sa taong 2025.
Matatandaan na ang National Housing Authority (NHA) is tanging sangay ng pamahalaan na responsable sa paggawa at pagbibigay ng murang pabahay sa mahihirap na Pilipino na naninirahan sa mga apektadong proyekto ng pamahalaan, nasunugan, naapektuhan ng kalamidad at giyera.#