Sa paglabas ng Executive Order No. 3 na nagpapahintulot sa publiko ng kusang pagsusuot ng facemasks sa labas bagaman hinihiling ang patuloy na pagpapatupad ng minimum public health standards upang patuloy na makaiwas sa pagkakahawa ng CoViD-19 habang ang bansa ay nasa ilalim pa rin ng public health emergency. Ito ay tumutugma sa panawagan ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na bagamat nakikitaan na ng pagwawakas ng pandemic buong mundo dahil sa naitalang mababang bilang ng Covid -19 infectionS simula March 2020 hiniling pa rin ang pagpapatuloy ng mahigpit na pag-iingat sa sarili kasama na ang maigting na aksyon ng gobyerno sa pagpapatupad ng polisiya lalo na sa hinaharap na panahon.
Kaya naman mahalaga na masiguro na malakas lagi ang ating katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansiya, ehersisyo, pagtulog ng sapat at pag-inom ng dekalidad na food supplement tulad ng IMMUNE ADVANCE na gawa ng ROQS International Consumer Health Corp.
Sa panayam sa radyo kay G. Patrick Roquel na isang Medical Technologist at Pangulo ng kumpanya na nagsusuplay ng herbal raw materials sa bansa at gumagawa ng mga food supplements, na ang Immune Advance na kanilang nagawa ay may apat na sangkap: Lagundi, Moringa (Malungay) Zinc at Sodium Ascorbate na may magandang dala sa ating katawan.
Pagmamalaki ni G. Roquel na siniguro nila na hindi manganganib at magkakaproblema ang kalusugan ng mga iinom ng Immune Advance, kaya sinikap na ipasuri sa Laboratory ang kanilang finish product at lumabas na ang kanyang formula ay umaayon sa pangangailangan ng ating katawan dahil taglay nito ang mga powerful nutrition facts na sapat lang para sa kailangan ng katawan. Kaya ang kanyang rerkomendasyon, uminom ng isang capsule araw-araw para sa ating proteksiyon lalo na sa covid-19.
“Gumawa ako ng sariling produkto yung immune advance. Bakit Lagundi, kasi pinag-aralan ng Pilipinas yan, nagkaroon siya ng clinical trial noong kasagsagan ng covid 19 noong December 2020 natapos noong June 2021… kaya noong January 2022 memorandum ng DOH nakalagay na dun ang lagundi irereseta na ng doktor Ang Lagundi based dun sa Phase I study niya, isa siyang anti-bacterial, anti-viral, anti-inflammatory, broncho-dilator, and hepatoprotective and even anti-cancer. ” – Paliwanag ni Patrick Roquel.
Dagdag pa ni G. Patrick na ang Immune Advance ang natatanging food supplement na sangkap ang Lagundi, Malunggay, Non acidic Vit C na Sodium Ascorbate at Zinc na sa pagsusuri ay nakitaan ang mataas na taglay na Vitamins and Minerals na nagbibigay ng sapat na nutrition at enerhiya ng ating katawan.
Aniya, ang antiviral effect ng Lagundi dahil sa taglay na Vitexin at Quercetin ay mataas ang affinity sa virus na SARS COV2 RNA polymerase at 3Virulence protein kaya napipigilan ang pagdami nito.
Taglay ng Vitex negundo (Lagundi) ng antioxidant phenolic compounds at flavonoids tulad ng casticin, chrysoplenol D, luteolin, iso-orientin, at luteolin-7-0-glucoside. Ang iba pang compounds ay epicatechin, quercetin, catechin, myricetin, tocopherol, β-carotene at lycopene ay nakita din sa lagundi leaf extracts. Ang Chrysoplenol D ay nakilala bilang bioactive substance na may anti-histaminergic at muscle relaxant properties na makatutulong para sa ubo at ashtma. Ginagamit ito panglunas ng colds, lagnat, flu, chronic bronchitis, pharyngitis, rheumatism, dyspepsia, boils, diarrhea, at lalo na sa problema sa balat o suliranin sa panunaw. Pangunahin itong kinikilala bilang halamang gamot para sa mga problema sa paghinga.
Samantala ang Malunggay ay nagtataglay naman ng vitamin A, B, C, B1 B3, B6, D3, K, Energy vitamin, Folic Acid, Iron and Zinc.
Kaya nang pinasuri ng RiCHCORP ang Immune Advance, nakita ang vitamins at minerals na taglay nito: Vitamin A, C, B1, V3, B6, D3, Folic Acid, Vitamin E, Calcium, Iron, Magnesium, Copper, Zinc at Phosphorus.
Payo ni G. Patrick Roquel, sa kabila ng pagluluwag ng pamahalaan sa paggamit ng facemask, piliin pa rin ang proteksiyunan ang sarili laban sa sakit. “Kung protektado ka na Outside dahil sa pagsusuot ng mask at proper hygiene, Dapat protektado ka rin inside sa paggamit ng Immune Advance araw-araw.” pagtatapos ng isang post kidney transplant at CoViD-19 survivor.
Para sa karagdagang kaalaman o katanungan, bisitahin ang Puno Sagip Buhay at Codemd & Healthy You FB Page.# (Vea Corpuz & Cathy Cruz)