Ipinagmamalaki ng St. Luke’s Medical Center (St. Luke’s) ang matagumpay na pagtawid sa mahigit 2,500 robotic surgeries sa loob ng nakalipas na 15 taon, ang pinakamataas na bilang ng robotic-assisted procedure na naisagawa ng anumang ospital sa Pilipinas.
Sa isang pagdiriwang na ginanap sa Isla Grand Ballroom ng EDSA Shangri-La, Mandaluyong City noong Huwebes, Oktubre 2, ay opisyal na kinilala ng Device Technologies (DTG Medical Inc.) ang St. Luke’s bilang nangungunang ospital sa bansa sa larangan ng robotic surgery.
Pagdiriwang ng Inobasyon at Precisyon
Sa ilalim ng temang, “We Live Life Healing through Innovation: 2500+ Robotics Surgeries Celebrating Precision Care for Every Patient,” binigyang-diin ng ospital ang kanilang pangako sa pagdadala ng world-class at cutting-edge na pangangalagang medikal sa bansa.
Ayon kay Dr. Dennis P. Serrano, Presidente at CEO ng St. Luke’s at isa sa mga nangungunang robotic surgeon, ang gabing ito ay isang pagdiriwang para sa mga pasyente at surgeon na sama-samang nagtulong-tulong sa nakalipas na 15 taon.
“Ang pagdiriwang na ito ay isang biyayang hatid ng panginoon para sa world-class at napaka-advanced na kadalubhasaan ng Pilipinas sa robotic surgery,” pahayag ni Dr. Serrano, na may 15 taon ng karanasan at nakaitala ng 346 na robotic surgery cases bilang console surgeon.
Pagkilala sa mga Pambihirang Surgeon
Binigyang-pugay ng St. Luke’s ang kanyang mga doktor na nanguna at nag-ambag sa makasaysayang milestone na ito. Kabilang sa mga parangal na iginawad ay:
- Urolohiya:
- Dr. Dennis P. Serrano – 346 na kaso (15 taon)
- Dr. Jason L. Letran – 232 na kaso (15 taon)
- Dr. Josefino C. Castillo – 152 na kaso (15 taon)
- Dr. Jaime S. D. Songco – 83 na kaso
- Obstetrics & Gynecology:
- Dr. Jennifer Marie B. Jose – 248 na kaso (14 taon)
- Dr. Rebecca B. Singson – 229 na kaso
- Pangkalahatang Surgery:
- Dr. Hermogenes D. J. Monroy III – 60 na kaso (14 taon)
- Dr. Jeffrey Jeronimo P. Domingo – 23 na kaso (14 taon)
Pagkilala sa mga “Rising Star”
Bukod sa mga beterano, kinilala rin ang mga “Rising Star” na nagpapakita ng magandang kinabukasan sa larangan:
- Obstetrics & Gynecology: Dr. Leo Francis N. Aquilizan, Dr. Camille Ann C. Abaya, at Dr. Aurora B. Tajan.
- Pangkalahatang Surgery: Dr. Gilmyr Jude G. Maranon, Dr. Samuel Victor C. Tan, at Dr. Marie Abigail C. Chan-Tan.
Mga Makasaysayang Hakbang ng St. Luke’s sa Robotic Surgery
Bilang pangunahing tagapagtaguyod ng robotic surgery sa bansa, ang St. Luke’s ang nagpasimula ng maraming kauna-unahang pamamaraan:
- 2010: Unang nagtayo ng Da Vinci Si Robotic Surgery System sa Pilipinas; Unang Robotic-Assisted Nissen Fundoplication.
- 2011: Unang Robotic-Assisted Thyroidectomy.
- 2013: Unang Robotic-Assisted Esophagectomy.
- 2016: Unang Robotic-Assisted Tonsillectomy at Thoracic Surgery; Naabot ang 500 robotic surgeries.
- 2019: Tumawid sa 1,000 robotic surgery mark.
- 2023: Unang Robotic-Assisted Kidney Transplant sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya.
- 2024: Unang nagtayo ng pinakabagong Da Vinci Xi Robotic Surgery System; Unang Robotic-Assisted Cardiac Surgery sa bansa at rehiyon.
- 2025: Nakumpleto ang mahigit 2,500 robotic surgeries; Opisyal na naging sertipikadong ospital na may pinakamaraming robotic-assisted procedure.
Sa pamamagitan ng makasaysayang tagumpay na ito, muling pinatunayan ng St. Luke’s Medical Center ang walang humpay na pangako nito sa pag-advance ng kalusugan sa pamamagitan ng inobasyon, kadalubhasaan, at pagbibigay ng de-kalidad at maalagaing serbisyo para sa bawat pasyente.#