Maaaring Makapagtala ng Higit 30 Milyong Boto
Sa pinakabagong resulta ng 2028 Pre-Election Senatorial Preferential Survey na isinagawa ng Tangere, nangunguna si Pasig City Mayor Vico Sotto sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador, na may 61.0% na voter preference — isang antas na maaaring humantong sa rekord na higit 30 milyong boto sa nalalapit na halalan.

Alkalde ng Lungsod ng Pasig
Natapos ni Vico Sotto ang kanyang kursong Bachelor Political Science noong 2011 sa Ateneo de Manila University.
Noong 2018, tinapos naman niya ang kanyang master’s degree sa Public Management sa parehong unibersidad, na may karangalan.
Dati siyang naging Project Associate para sa mga programang Government Watch at Political Democracy and Reforms.
Nagsilbi rin siya bilang Konsehal ng Lungsod ng Pasig sa loob ng isang termino, kung saan itinaguyod niya ang pagpasa ng mga ordinansa ukol sa partisipasyon ng mamamayan at Freedom of Information (FOI). Ang ordinansa ng FOI na kanyang ipinasa ang naging kauna-unahang lokal na batas ng FOI sa Kalakhang Maynila.
Tumakbo siya sa ilalim ng platapormang pagbabago at nahalal bilang Alkalde ng Pasig noong Mayo 2019.
Makalipas ang dalawang taon, kinilala siya ng Pamahalaan ng Estados Unidos para sa kanyang pagsusumikap sa pagiging bukas at responsable sa pamahalaan, at ginawaran siya ng Anti-Corruption Champion Award, kasama ng 11 iba pa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Muling nagwagi si Mayor Vico sa kanyang pagtakbo sa halalan noong Mayo 2022, dala ang panibagong mandato upang ipagpatuloy ang laban para sa mabuting pamamahala sa Lungsod ng Pasig.
Ayon sa resulta ng survey na isinagawa noong Hulyo 18-20, 2025, si Mayor Sotto ang top choice sa lahat ng 17 rehiyon ng bansa, na nagpapakita ng malawak na suporta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Sa ikalawang puwesto, ngunit malayo ang agwat, si Senator Raffy Tulfo na may 55.26% na boto, na malakas sa mga botante sa Greater Manila Area (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal).
Pumangatlo si dating Senadora Grace Poe na may 46.05%, na pangunahing sinusuportahan ng mga rehiyon ng MIMAROPA at Gitnang Luzon.
Magkakatabla sa ika-apat hanggang ikaanim na pwesto sina:
- Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero
- Senadora Loren Legarda
- Davao City Rep. Paolo Duterte
Malaki ang suporta kay Escudero mula sa Southern Luzon, Bicol Region, Davao Region, at Northern Mindanao.
Narito ang kabuuang listahan ng Top 15 kandidato:
6-7. Sen. Alan Peter Cayetano – 34.80%
8. Media executive Ben ‘Bitag’ Tulfo – 32.22%
9-10. Sen. Robin Padilla – 30.08%
9-11. Dating DILG Sec. Benhur Abalos – 29.00%
10-13. DepEd Sec. at dating Sen. Sonny Angara – 27.65%
11-14. Dating Sen. Bong Revilla – 26.74%
12-15. DSWD Sec. Rex Gatchalian – 25.87%
12-15. Sen. Jinggoy Estrada – 25.00%
13-15. Dating Makati Mayor – 24.60%
Labas sa Top 15 ang ilang incumbent senators:
Sen. JV Ejercito (Rank 18)
Sen. Mark Villar (Rank 25)
May kabuuang 42 na potensyal na kandidato ang isinama sa nasabing survey.
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile-based respondent app na may kabuuang 2,400 kalahok. Gumamit ito ng stratified random sampling (quota-based) at may margin of error na ±1.96% sa 95% confidence level. Ang distribusyon ng mga kalahok ay: 12% mula NCR, 23% Northern Luzon, 22% Southern Luzon, 20% Visayas, at 23% Mindanao.
Ang Tangere ay isang award-winning market research company na miyembro ng MORES, ESOMAR, at PANA, at kabilang sa mga unang kumpanyang nakarehistro sa COMELEC para sa eleksyon.
Sa kasalukuyan, inaasahang magiging makasaysayan ang pagtakbo ni Mayor Vico Sotto sa 2028, kung saan maaari siyang makakuha ng pinakamataas na boto sa kasaysayan ng senatorial elections sa bansa.#