Feature Articles:

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at...

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang...

Proyektong i-Float ng Manila Water, kinikilala sa pandaigdigang entablado bilang inobasyon sa pagpapalakas ng resiliency sa baha

Umani ng pandaigdigang pagkilala ang makabagong proyekto ng Manila Water na tinaguriang Project i-Float para sa inobatibong solusyon nito sa pagresolba ng baha sa mga lungsod. Inilathala ito sa 41st International Association for Hydro-Environment Engineering and Research (IAHR) World Congress at sa Singapore International Water Week (SIWW) Spotlight 2025, kung saan tampok ang epektibong gamit ng simpleng inhenyeriya para sa makabuluhang pagbabago sa mga komunidad.

Ipinresenta ang proyekto ni Riza Oiga, Operations Department Head ng Wastewater Facilities ng Manila Water, katuwang sina Christian Quintos at Marvin Jambre. Lubos ang suporta ng Manila Water sa proyektong ito dahil sa potensyal nitong palakasin ang kakayahan ng Metro Manila laban sa pagbaha.

Ang Project i-Float ay gumagamit ng floating bar screens na nakakabit sa mga daluyan ng tubig gaya ng Balante Creek sa Lungsod ng Marikina upang salain ang mga solidong basura. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang pagbabara ng mga kanal, pinapabilis ang daloy ng tubig, at nababawasan ang panganib ng pagbaha. Mula nang ilunsad, nakatulong na ito sa mahigit 180,000 residente na protektahan mula sa pana-panahong pagbaha. Kasabay nito, napabuti rin ang operasyon ng Marikina North Sewage Treatment Plant sa pamamagitan ng mas mahusay na daloy at paggamot ng tubig. Sa pilot phase ng proyekto, tinatayang nasa 24 cubic meters ng basura kada buwan ang nakokolekta mula Agosto hanggang Nobyembre 2024, na nagresulta sa mas kaunting insidente ng pagbaha.

Kaakibat ang adhikain ng non-government organization na Angat Buhay sa pagpapalakas ng mga komunidad at resiliency sa sakuna, sinuportahan nito ang paglahok ng Project i-Float sa IAHR World Congress sa ilalim ng Women Champions in the Water Sector Program. Kinilala ang proyekto bilang huwaran ng inobasyon mula sa komunidad at sama-samang paglutas ng problema.

Ayon kay Oiga, “Pinatutunayan ng Project i-Float na ang inobasyon ay hindi kailangang maging komplikado. Sa tamang pakikipagtulungan at praktikal na solusyon, maaari tayong bumuo ng mas ligtas at mas matatag na mga komunidad.”

Nakatakdang palawakin ng Manila Water ang proyekto sa iba pang mga lugar na madalas bahain tulad ng Pasig, Taguig, at Navotas. Sa tulong ng Manila Water Foundation at mga lokal na pamahalaan, ang susunod na yugto ay magtatampok ng modular na disenyo at mas abot-kayang materyales upang umangkop sa iba’t ibang kalagayang urbano sa bansa.#

Latest

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at...

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang...

Korte Suprema: Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, labag sa Konstitusyon

Idineklara ng Korte Suprema ngayong araw na labag sa...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Mayor Vico Sotto, nangunguna sa maagang 2028 Senatorial Survey

Maaaring Makapagtala ng Higit 30 Milyong Boto Sa pinakabagong resulta...
spot_imgspot_img

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura ang Rice Tarrification Law (RTL) dahil nagdulot umano ito ng malawakang paghihirap sa mga magsasaka...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at polisiya na nagdulot ng matinding krisis sa sektor ng agrikultura, partikular sa mga magsasaka ng...

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang pahayag ukol sa darating na pandaigdigang kumperensiya sa Hulyo 28–29 na pangungunahan ng France at...