Feature Articles:

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino...

Senadora Imee Marcos, nanguna sa pagpapalawig ng Charter ng NHA

Pormal na inisponsoran at hinihimok ni Senador Imee R. Marcos ang pagpasa ng Charter Renewal ng National Housing Authority (NHA) o Senate Bill No. 2818 “An Act Strengthening National Housing Authority by Extending its Corporate Term and Rationalizing its Powers, Repealing for this Purpose Presidential Decree No. 757, series of 1975,” na nagpapakita ng importansya ng ahensya bilang pangunahing sektor ng mga proyekto at programang pabahay sa bansa, na may malaking gampanin sa pagbibigay ng mga abot-kaya at disenteng pabahay para sa pamilyang Pilipino.

“This proposed measure, Senate Bill No. 2818, seeks to strengthen the NHA by first increasing the capitalization from P5 billion to P10 billion, in addition to extending its corporate term for another 50 years,” pahayag ni Chairperson of the Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Sen. Marcos.

“The bill also seeks to expand the powers and functions of the Authority to cover housing operations and even support services,” dagdag pa ng senadora.

Dahil dito, hangad ng senadora na suportahan ng kanyang mga kasamahan sa Senado ang panukala: “Sana ay manahan sa ating mga puso ang mensaheng ito at nawa’y sang-ayunan ng aking mga mahal na kasamahan sa Senado ang Senate Bill 2818 sa lalong madaling panahon.”

Bilang co-sponsor ng NHA bill, idiniin ni Sen. JV Ejercito sa kanyang sponsorship speech ang kahalagahan ng NHA sa pagpapatuloy ng mandato nito na magbigay ng de-kalidad na tirahan. “Para po sa mga halos wala, nakapagbibigay po ng pag-asa ang NHA sa pamamagitan ng mga programang pabahay na makatuwiran at makatao, nakabatay sa kakayahan at katayuan sa buhay,” pagbabahagi ni Sen. Ejercito.

“Mr. President, dear colleagues, I appeal for the immediate passage of the proposed measure seeking to renew the corporate life of the National Housing Authority,” dagdag pa ng senador.

Sa kabilang banda, nagpahayag din ng kahandaang maging co-sponsor si Senate Majority Leader Francis N. Tolentino ng nasabing panukalang batas na sumusuporta sa parehong layunin para sa ahensya ng pabahay.

Samantala, lubos na pasasalamat at kagalakan naman ang ibinahagi ni NHA General Manager Joeben Tai kay Senator Marcos. “Sa ating kagalang-galang na Senator Marcos, isang malaking suporta ang inyong inihatid sa aming ahensya at para sa aming mga benepisyaryo. Ngayong araw ang simula ng ating pag-asa para sa mas masigasig na programang pabahay sa ilalim ng Bagong Pilipinas ng ating Pangulo. Maraming salamat po, Senator Marcos,” ani NHA GM Tai.

Itinatag noong 1975 ang NHA bilang isang korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno. Nilagdaan noon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang PD 757 na bumuo sa ahensya bilang isang sangay ng pamahalaan para sa pabahay ng mga mamamayang Pilipino.

Sa ngayon, ang NHA ay nagpapatupad ng iba’t ibang programa sa pabahay para sa mga informal settler na pamilya na nasa delikadong lugar, mga empleyado ng gobyerno, mga dating rebelde, mga katutubo at mga pamilyang apektado ng mga kalamidad at mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno. Ito ay nasa ilalim ng administratibong pangangasiwa ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Sa Hulyo 31, 2025, maaabot na ng NHA ang ika-50 anibersaryo ng Charter nito, hudyat na magwawakas na ang tungkuling pang-korporasyon gaya ng nakasaad sa mandato nito.#

Latest

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino...

“HINDI NA NILA MALOLOKO ANG TAUMBAYAN: CenPEG, binuksan ang katotohanan sa ‘Political Theater’ ng Kongreso!”

Mariing tinutukan ng isang non-government organization ang mainit na...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Gomez sets record straight, Forces apology from misinformed critics

Congressman Gomez Apologizes, Defends Flood Control Project Amid ControversyIn...
spot_imgspot_img

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held a public forum on Monday, September 11, to demand transparency and justice for what they...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang bayani ang lumalabas upang bigyan ng pangalan at kapayapaan ang mga biktima: ang forensic dentist. Nang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala na ang teknolohiyang blockchain ang susi upang wakasan ang korapsyon sa bansa, at...