Home Local ARESTADO NG QCPD DAHIL SA PAGPEKE NG QCITIZEN ID PARA SA PWD

ARESTADO NG QCPD DAHIL SA PAGPEKE NG QCITIZEN ID PARA SA PWD

0
63

Arestado sa isang entrapment operation na isinagawa ng pinagsamang puwersa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni PMAJ Don Don Llapitan at ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PMAJ Wilfredo Taran Jr., ang mga kinilalang mga suspek na sina Deline Pacala Banaag, 27, at Jaywen Doctama Laurino, 24, ng Brgy. 176 Phase 8 Bagong Silang, Caloocan, dahil sa pamemeke QCitizen IDs for Persons with Disabilities (PWD) dakong 1:28 PM kahapon, Abril 9 sa pamamagitan ng koordinasyon sa Caloocan City Police Station.

Isinasaad sa isang inisyal na ulat na noong 12:30 PM noong Abril 8, 2024 ni Arnold Delicio Cabral ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), Quezon City sa CIDU ang pagtaas ng bilang ng mga pekeng QCitizen IDs for Persons with Disabilities (PWD) na nakumpiska ng kanilang opisina mula sa ilang kliyente.

Nakumpiska sa sa mga suspek ang limang (5) piraso ng pekeng QCitizen ID Card para sa mga PWD, dalawang (2) cellular phone, isang (1) black coin purse, isang (1) susi ng motorsiklo, at isang (1) unit na Yamaha Gravis.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Article 172 o the Falsification by Private Individuals and Use of Falsified Documents in relation to R.A 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ipinahayag ni PBGen Maranan ang kanyang pagkabahala, na nagsasaad, “Ang palsipikasyon ng mga dokumento ay isang malubhang pagkakasala na sumisira sa integridad ng aming mga opisyal na rekord at nagdudulot ng mga panganib sa kaligtasan ng publiko. Magsilbi nawang babala ito sa mga nagbabalak na gawin pa ang mga ganitong klaseng gawain.”

“Kinukundena namin ang mga indibidwal na ito na gumagamit ng palsipikasyon ng aming mga QC ID para lamang makinabang sa mga diskwento at iba pang mga pribilehiyo. Inaatasan ko ang ating Persons with Disability Affairs Office na magpataw ng mas mahigpit na hakbang sa aplikasyon, pag-iisyu at paggamit ng QC PWD ID upang hadlangan ang palsipikasyon ng mga talaan,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Para sa mga nais magkaroon ng QCitizen ID, maaaring kayo magpatala online sa website mismo ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon. Bisitahin sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/. Mag-register gamit ang inyong email address dahil ang kumpirmasyon o verification code ay inyong matatanggap.

Puntahan ang https://qceservices.quezoncity.gov.ph/ at i-click ang QCitizen ID e-application at punan ang mga detalye ng inyong personal na impormasyon. Ito ay libre at makakatanggap sa inyong email kung aprubado na at maaaring nang kunin ang inyong QCitizen ID. Paalala: siguraduhing tama ang lahat ng inilagay na impormasyon at maaari nyo ring piliin kung ano ang sektor na kinabibilangan nyo (PWD o Senior Citizen). Tiyakin na may lehitimo at hindi expired na government issued id ka na i-a-upload sa nasabing QCitizen ID e-application.#

NO COMMENTS