Feature Articles:

Breaking with the Chain of War: Father Harry Bury Launches Global Appeal for ‘Oasis Plan’

In a dramatic appeal for global unity, Father Harry...

The Crossroads: Why the West Must Join the New World Economic Order

A profound geopolitical shift is underway, one that promises...

Itinaguyod ang Makabagong Proyektong Bering Strait Tunnel Bilang “Daan Tungo sa Kapayapaan” sa Pandaigdigang Pagpupulong

Sa isang makabagong hangarin upang baguhin ang pandaigdigang geopolitika...

MSSD’s Statement on DSWD Educational Assistance Program

Gusto pong linawin ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) na HINDI nito saklaw ng isasagawang educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang MSSD ay hindi kasama sa mga regional field offices ng DSWD, kundi isang hiwalay na ahensya ng gobyerno na bahagi po ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Bilang hiwalay na ahensya, ang MSSD ay mayroong sariling programang tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na kabilang sa mahihirap na pamilya. Ito ay tinatawag na Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan Program (ABaKa).
Nagsimula ang implementasyon ng programang ito noong 2020. Sa ilalim ng programang ito, ang mga kwalipikadong benepisyaryong mag-aaral ay maaring makatanggap ng sumusunod na educational subsidy:

Paano ba sumali sa ABaKa Program?

Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa aplikasyon:

1. Ang mga kwalipikadong mag-aaral ay maaaring makipag-ugnayan sa mga MSSD

Municipal Social Welfare Officers (MSWOs) ng kanilang munisipyo para sa pagsusuri at balidasyon.

2. Dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

• Valid identification card o ID ng benepisyaryong mag-aaral o ng kanyang

magulang/guardian.

• Enrollment form/Certificate of Registration/valid na ID ng mag-aaral galing sa eskwelahan. Ang mga College o Voc-Tech na mag-aaral ay kailangang magsumite ng Statement of Account.

• Barangay Certificate o Certificate na nagpapatunay na nangangailangan ang mag-aaral ng pinansyal na tulong

• Certificate of Indigency (para sa mga mag-aaral mula sa pribadong eskwelahan).

Paalala: Lahat ng mga hindi orihinal na kopya ng mga dokumento ay kinakailangang may tatak na “Certified True Copy”. Ang mga orihinal na kopya ng mga dokumento ay kailangang ipresenta sa social worker ng munisipyo o lungsod para sa pagsusuri at balidasyon.

3. Magsasagawa ng balidasyon ang social worker sa mga natanggap na dokumento at ng interbyu o maikling panayam upang masagutan ang General Intake Sheet at Score Sheet. Maaari ring magpunta ang social worker sa mismong bahay ng benepisyaryo kung kinakailangan.

4. Hintayin ang resulta ng aplikasyon kung ang mag-aaral ay kwalipikadong mapabilang sa programa.

Sinu-sino ang prayoridad na mabigyan educational assistance ng MSSD sa ilalim ng ABaKa Program?

• Kabilang sa mahirap, bulnerable, at may maliit na kitang pamilya;

• Working student;

• Naka-enrol sa pampublikong paaralan, vocational-technical schools, state

universities and colleges o (SUCs);

• Naka-enrol sa pribadong paaralan ngunit nasa ilalim ng scholarship program o walang kakayahan ang pamilyang magpaaral;

• Mula sa pamilyang lubos na apektado ng kaguluhan o kalamidad; at

• Kapamilya ng isang breadwinner na nadeport o nakabalik sa BARMM o Pilipinas.

Sino ang mga hindi kwalipikadong mapabilang sa ABaKa program?

• Mga mag-aaral na kabilang sa pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ano ang batayan ng score sheet o ranking system?

Dahil sa pagkakaroon ng limitadong pondo at kakayahan ng ahensya, ang ABaKa Program ay mayroong sinusunod na scoring at ranking system na syang batayan sa pagpili ng kwalipikadong benepisyaryo base sa mga sumusunod:

Hindi hihigit sa dalawang (2) kwalipikadong bata bawat pamilya ang maaring mag-apply sa programa.

Muli po, hindi po kasali ang MSSD sa educational assistance ng DSWD. Bagkus, mayroong sariling programa ang MSSD na tinatawag na ABaKa, na may sariling kwalipikasyon para sa mga benepisyaryo, halaga ng tulong, at proseso ng pag-apply.

Maraming salamat po.

Latest

Breaking with the Chain of War: Father Harry Bury Launches Global Appeal for ‘Oasis Plan’

In a dramatic appeal for global unity, Father Harry...

The Crossroads: Why the West Must Join the New World Economic Order

A profound geopolitical shift is underway, one that promises...

Itinaguyod ang Makabagong Proyektong Bering Strait Tunnel Bilang “Daan Tungo sa Kapayapaan” sa Pandaigdigang Pagpupulong

Sa isang makabagong hangarin upang baguhin ang pandaigdigang geopolitika...

Higit sa Tropeo: Ang Pagsasanay sa DOST na Nagbunga ng 17 Prototype para sa Mas Matatag na Komunidad

Bilang tugon sa mga karaniwang hamon sa mga komunidad,...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Empathy Meets Innovation: BRAILLEiance, a breakthrough in Braille Learning, Tops DOST-Davao Startup Competition

A groundbreaking assistive tool designed to revolutionize braille education...
spot_imgspot_img

Breaking with the Chain of War: Father Harry Bury Launches Global Appeal for ‘Oasis Plan’

In a dramatic appeal for global unity, Father Harry Bury, the renowned Catholic priest and lifelong peace activist, has called upon the world to...

The Crossroads: Why the West Must Join the New World Economic Order

A profound geopolitical shift is underway, one that promises to redraw the map of global power and prosperity. As leaders of the Shanghai Cooperation...

Itinaguyod ang Makabagong Proyektong Bering Strait Tunnel Bilang “Daan Tungo sa Kapayapaan” sa Pandaigdigang Pagpupulong

Sa isang makabagong hangarin upang baguhin ang pandaigdigang geopolitika at ekonomiya, ang isang pangkat ng mga internasyonal na eksperto, inhinyero, at financier ay nagdaos...