Feature Articles:

The Crossroads: Why the West Must Join the New World Economic Order

A profound geopolitical shift is underway, one that promises...

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang...

LTFRB: 269 PROVINCIAL P2P PUBS, MAAARI NANG BUMIYAHE SA 10 RUTANG BUBUKSAN NG LTFRB SIMULA DISYEMBRE 21

Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 10 ruta para sa 269 Provincial Point-to-Point Public Utility Bus na bibiyahe palabas at papasok ng Metro Manila simula ika-21 ng Disyembre 2020. Alinsunod ito sa Memorandum Circular (MC) 2020-082 na ipinasa ng LTFRB kahapon, ika-16 ng Disyembre 2020.
Ang paglabas ng MC 2020-082 ay kasunod ng inilabas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagbibigay permiso sa mga Public Utility Vehicle (PUV) na bumiyahe palabas ng Metro Manila.
Narito ang ruta ng Provincial P2P Bus na magbubukas sa Disyembre 21, base sa MC 2020-0083:
⦁ Clark, Pampanga – SM North EDSA
⦁ Clark, Pampanga – NAIA Terminal (With Limited Stop in Ortigas)
⦁ Clark, Pampanga – Lubao, Pampanga (With Specials Stops in San Fernando and Angeles City)
⦁ Clark, Pampanga – Dagupan, Pangasinan (With Special Stops at Rosales and Urdaneta, Pangasinan)
⦁ Clark, Pampanga – Subic, Zambales (With Special Stop at Dinalupihan, Bataan)
⦁ NAIA/Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) – Baguio City
⦁ Batangas City – Ortigas
⦁ Batangas City – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
⦁ Lipa City, Batangas – Ortigas
⦁ Lipa City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)

 

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang naka-rehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Kailangan ng Special Permit ang mga Provincial P2P PUBs na bibiyahe sa mga inter-regional routes sa labas ng Metro Manila. Para sa mga mag-a-apply ng Special Permit, i-send ang inyong application sa technical@ltfrb.gov.ph upang makapag-operate.


Bukod sa Special Permit, kailangan ding sumunod ang mga pick up at drop off terminals ng mga naturang bus sa health at safety protocols bago payagang mag-operate ng local government units.


Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang Provincial P2P PUB, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng LTFRB. Bukod diyan, kinakailangan sumunod ng mga PUV sa mga alituntunin ng IATF at local government units kaugnay ng health protocols bago sila makabiyahe.
Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts:
1) Laging magsuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).


Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga Provincial P2P Bus na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.
Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila, at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020 hanggang sa kasalukuyan:
1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 399
Bilang ng authorized units: 35,153
2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 48
Bilang ng authorized units: 865
3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 35
Bilang ng authorized units: 4,552
4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 394
5. UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang binuksan: 118
Bilang ng authorized units: 7,184
6. TAXI
Bilang ng authorized units: 21,663
7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng authorized units: 25,495
8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 41
Bilang ng authorized units: 1,372
9. MODERN UV Express
Bilang ng mga rutang binuksan: 2
Bilang ng authorized units: 40

Latest

DSWD nagsagawa ng pagsasanay para pagtibayin ang Sistema ng paghawak ng reklamo laban sa mga ahensya

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pamantayan, pananagutan,...

Quezon City Rises as Model of Governance under Mayor Joy Belmonte’s Transformative Leadership

Quezon City - Under the steadfast leadership of Mayor Joy Belmonte,...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

DSWD nagsagawa ng pagsasanay para pagtibayin ang Sistema ng paghawak ng reklamo laban sa mga ahensya

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pamantayan, pananagutan,...

Quezon City Rises as Model of Governance under Mayor Joy Belmonte’s Transformative Leadership

Quezon City - Under the steadfast leadership of Mayor Joy Belmonte,...

FlavonPro: Weaving a Tapestry of Wellness from Philippine Heritage

In the hustle of modern Filipino life—amidst the city...
spot_imgspot_img

Philippines urged to reengage with China amid economic crisis, as Beijing’s 15-Year Plan offers opportunities

Against a backdrop of a severe economic and financial crisis in the Philippines, analysts are calling for a strategic pivot to reengage with China,...

Geopolitical Analyst Warns U.S. Missile System Puts Philippines in “Danger,” Accuses U.S. of Economic Destabilization

The Philippines faces a severe risk of destruction in any conflict with China and is simultaneously grappling with an economy near "collapse" due to...

DSWD nagsagawa ng pagsasanay para pagtibayin ang Sistema ng paghawak ng reklamo laban sa mga ahensya

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pamantayan, pananagutan, at pagpapabuti sa regulasyon ng mga Social Welfare and Development Agencies (SWDAs), nagsagawa ang Standards...