Home Environment AFTER PAYATAS SANITARY LANDFILL CLOSURE, WHAT’S NEXT?

AFTER PAYATAS SANITARY LANDFILL CLOSURE, WHAT’S NEXT?

0
69
Katas ng basura
Katas mula sa bundok ng basura sa Payatas, patunay na “saturated” na ang bundok at namemeligrong gumuho kung patuloy na gagamitin. Malaya ring dumadaloy ang katas na ito sa Calamiong creek. (Rey K. Palacio, PEO II, EMB-SWMD)
Matarik
Matarik na bahagi ng bundok ng basura sa Payatas Sanitary Landfill (Rey K. Palacio, PEO II, EMB-SWMD)

(Photo courtesy of Rey Palacio and Ashley Ignacio, EMB-DENR)

 

 

TULUYAN NANG IPINASARA NG DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) ANG PAYATAS LANDFILL DAHIL SA MARAMING PAGLABAG SA BATAS NG REPUBLIC ACT NO. 9003 O THE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT OF 2000.

ENGR. ELIGIO ELPIDIO

SA PANAYAM NG PILIPINO PRESS KAY ENGR. ELIGIO T. ILDEFONSO, SECRETARIAT EXECUTIVE DIRECTOR NG NATIONAL SOLID WASTE MANAGEMENT AND COMMISSION AT CHIEF NG SOLD WASTE MANAGEMENT DIVISION, ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU NG DENR, NANINDIGAN ITO SA NAGING DESISYON NG KANYANG AHENSYA SA PAGPAPASARA NG PAYATAS LANDFILL DAHIL KATAS NG BASURA NA LUMALABAS SA PALIGID NG TAMBAKAN, MASANGSANG NA AMOY DAHIL SA HINDI MAAYOS NA PAMAMALAKAD NG IPM CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT CORPORATION.

 

MATATANDAAN NA OKTUBRE 27, 2009 BATAY SA MEMORANDUM CIRCULAR 2009-168 NANG NAG-ATAS SI DATING KALIHIM NG DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) RONALDO V. PUNO NANG MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG SECTION 17(H) AT 32 NG REPUBLIC ACT 9003 O MAS KILALA BILANG ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT OF 2000.

 

BAGAMAN, ANG PAYATAS NA ISANG OPEN DUMPSITE AY ISINAAYOS NANG LOKAL NA PAMAHALAAN BILANG ISANG SANITARY LANDFILL NGUNIT NANANATILI PA RIN ANG IBA’T IBANG PAGPAPABAYA NG PANGANGASIWA NG IPM.

 

AYON SA MGA RESIDENTE NA NANINIRAHAN SA PAYATAS LANDFILL, 1972 PA NANG SILA AY NAGSIMULANG MANIRAHAN SA PAYATAS DAHIL SA GREEN REVOLUTION PROJECT NG DATING PANGULONG FERDINAND E. MARCOS. SUBALIT PAGKATAPOS NG EDSA REVOLUTION, ANG DATING AMOY BUKIRIN NA PALIGID NG PAYATAS AY NAGING ISANG MARUMI AT MABAHONG LUGAR NA.

MARAMING PAGLABAG SA BATAS ANG NGAYON AY INILALABAS NG MGA RESIDENTE SA LOKAL NA PAMAHALAAN KAUGNAY SA OPERASYON NG PAYATAS SANITARY LANDFILL:

  1. TUMATAGAS NA KATAS MULA SA BASURA SA PALIGID NG LANDFILL
  2. UMAALINGASAW NA MABAHONG AMOY MULA SA LANDFILL NA UMAABOT HANGGANG SA KARATIG NA MGA BARANGAY
  3. UMAALINGASAW NA MABAHONG AMOY MULA SA MGA JUNKSHOP
  4. MAKALAT PAGPIPILI, TAMBAK NG NAPILI AT TRUCK NAGDUDULOT NG SAGABAL SA KALSADA NG MGA JUNKSHOP OPERATORS
  5. ABUSADONG MGA JUNKSHOP AT DUMP TRUCK DRIVERS DAHIL SA HINDI PAGSUNOD SA TRAPIKO SA KAHABAAN NG LITEX ROAD NA NAGDUDULOT NG TRAPIKO
  6. MGA WALA AT MALABONG PLATE NUMBER NA JUNKSHOP AT DUMP TRUCK NA NAGBIBIYAHE SA PAYATAS SANITARY LANDFILL
  7. PAGKASIRA NG KALSADA (SECONDARY AT MAIN ROAD)
  8. PATULOY NA PAGTAAS AT PAGLAWAK NG TAMBAK NG BASURA NA HINDI NA LIGTAS SA MATATAGAL NANG RESIDENTE NG PAYATAS.
  9. NILILIKHANG INGAY NG MAKINA NG PANGEA/IPM.
  10. PUWERSAHANG PAGPAPAALIS SA MGA RESIDENTE DAHIL SA BALAK NILANG PAGPAPALAWAK NG TAMBAK NG BASURA.

 

DANNY LIM

SAMANTALA, KINATIGAN NAMAN NI METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN DANNY LIM ANG DESISYON NG PAGPAPASARA NG PAYATAS SANITARY LANDFILL.

“HIHINTAYIN PA BA UMANONG MANGYARI MULI ANG PAYATAS TRAGEDY NA NAGANAP NOONG HULYO 10, 2000? MATAGAL NANG DAPAT IPINASARA YAN. MABUTI NA LANG, KAKAMPI NATIN NGAYON ANG DENR AT NANINDIGAN SA DESISYON NILA,” MARIING SINABI NI MMDA CHAIRMAN DANNY LIM.

 

PAGLILINAW NYA NA ANG SAKLAW LAMANG NG MMDA AY ANG SANITARY LANDFILL PERO ANG ENVIRONMENTAL ISSUES AY TRABAHO NG DENR.

 

PAGTATAPOS NI CHAIRMAN DANNY LIM, “ANG LOKAL NA PAMAHALAAN NG QUEZON ANG DAPAT MAG-ASIKASO NG PROBLEMA NG MGA HAULERS, JUNKSHOP OWNERS AT SCAVENGERS. “WALANG FOREVER SA MUNDONG ITO, DAPAT PINAGHANDAAN NYA ANG PAGSARADO NG PAYATAS SANITARY LANDFILL. ANO ANG GINAWA NILA?

 

SA PHONE INTERVIEW KAY DATING QUEZON CITY TREASURER EDGAR VILLANUEVA, PINATUTUNAYAN NYANG MALAKI ANG NAKUKUHANG BUWIS NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG QUEZON MULA SA MGA IBINABAYAD NG BUSINESSMEN AT REAL PROPERTY OWNERS. SINUSUBUKAN NAMAN KUNIN NG PILIPINO PRESS ANG PANIG NG BAGONG TREASURER NA SI RUBY ROSA G. GUEVARRA SUBALIT NANANATILING WALANG SAGOT MULA SA KANYANG TANGGAPAN.

 

SA KABILANG BANDA, NANATILING NANANAWAGAN ANG PAYATAS ALLIANCE RECYCLING EXCHANGE COOPERATIVE (PARE) AT PAYATAS LITEX JUNKSHOP OWNERS AND TRUCK HAULERS ASSOCIATION, INC. (PLJOTHAI) SA DENR NA MULI PAGBIGYAN ANG QUEZON CITY GOVERNMENT NA BUKSAN ANG PAYATAS LANDFILL HANGGANG DISYEMBRE NG TAONG ITO UPANG MAISAAYOS NILA ANG MGA NAKABINBIN NA TRANSAKSYON SA PAGITAN NG MGA HAULERS AT PRIVATE ESTABLISHMENTS GAYUNDIN ANG MGA SCAVENGERS AT JUNKSHOP OWNERS.

 

SA PALIWANAG NG ISANG AYAW MAGPAKILALANG ACCOUNTANT NG PRIVATE HAULER, MALAKI ANG ITINAAS NA GASTOS ISANG HAULER MULA NANG IPINASARA ANG PAYATAS SANITARY LANDFILL UPANG MAITAPON LAMANG ANG ISANG 10-WHEELER TRUCK SA MONTALBAN NA NASA PANGANGASIWA NG INTERNATIONAL SOLID WASTER INTEGRATED MANAGEMENT SPECIALIST, INC. (SWIMS) NA NASA SITIO LUKUTAN, SAN ISIDRO, RODRIGUEZ RIZAL.

 

SA KANYANG IBINIGAY NA BREAKDOWN NG GASTUSIN:

PARTICULARS MONTALBAN RATE PAYATAS RATE
Entrance Fee 530.00/truck
Dumping Fee 2,400.00/10-wheeler truck
Pathway Fee 289.00/truck
Fumigation Fee 39.00/truck

AYON KAY MANNY GUARIN, PANGULO NG PAYATAS LITEX JUNKSHOP OWNERS AND TRUCK HAULERS ASSOCIATION, INC. NALULUGI NA UMANO ANG MGA HAULERS DAHIL SA BIGLAANG PAGPAPASARA NG PAYATAS LANDFILL DAHIL SA HALOS 5 BESES ANG ITINAAS NG GASTOS NILA SA PAGTATAPON LANG NG BASURA SA MONTALBAN.

 

“SANA PAGBIGYAN NAMAN KAMI NG DENR KAHIT HANGGANG DISYEMBRE LAMANG. KATULAD KO HANGGANG KATAPUSAN NA LANG NG AGOSTO KO KAKAYANING ABONOHAN ANG GASTUSIN NG MGA DUMPTRUCKS PARA MAGHAKOT LANG NG BASURA. SA KATUNAYAN, SUMULAT NA AKO SA MGA PRIVATE ESTABLISHMENT NA KAILANGAN NA KAMING MAGTAAS NG KONTRATA SA KANILA DAHIL SA BIGLANG PAGLIPAT SA MONTALBAN NG DUMPSITE. PAGKATAPOS NG AGOSTO WALA NA AKONG MAGAGAWA KUNDI ANG TUMIGIL.” ANI NG DATING PAYATAS BARANGAY CAPTAIN NG PAYATAS AT MAY-ARI NG MANNY GUARIN HAULING SERVICES.

 

KATULAD NI GUARIN HUMIHINGI RIN NG AWA SI RAFAEL M. BULAN, GENERAL MANAGER NG PARE COOPERATIVE PARA SA MGA MANGANGALAKAL AT SCAVENGERS NG PAYATAS. ANIYA, DAHIL BIGLAAN UMANO ANG PAGPAPASARA NG PAYATAS SANITARY LANDFILL LAHAT AY NAGULAT AT KASALUKUYANG MARAMING PAMILYA ANG NAGUGUTOM DAHIL SA WALANG PINAGKAKAKITAAN.

“MALAKI PA NAMAN ANG LUGAR NA PUWEDENG PAGTAPUNAN DITO SA PAYATAS, BAKA PUWEDENG BUKSAN ULI. ALAM NAMIN HINDI HABAMBUHAY ANG BASURA DITO SA PAYATAS PERO HUWAG NAMAN GANITONG BIGLAAN”, PAGMAMAKAAWA NG LIDER NG MGA MANGANGALAKAL.

 

DAGDAG NI BULAN, NASA 2 LIBONG KASAPI NILA ANG NGAYON AY PROBLEMADO KUNG PAANO BUBUHAYIN ANG KANI-KANILANG PAMILYA.

 

ANIYA, MAS MAAYOS NGAYON ANG GINAWANG PAMAMALAKAD NG IPM KATUWANG ANG PAYATAS OPERATIONS GROUP KAYSA NANG NAGDAANG NANGNGASIWA NG PAYATAS DUMPSITE. BAGAMAN, PINATUNAYAN NYANG MARUMI ANG KANILANG TRABAHO BILANG BASURERO AT MANGANGALAKAL PERO MARANGAL NILANG NABUBUHAY ANG KANILANG PAMILYA DAHIL DITO. MARAMI SA MGA DATING HIKAHOS AY NAPABUTI ANG BUHAY DAHIL LANG SA PANGANGALAKAL. HINDI LAMANG UMANO NAPAPAKAIN ANG PAMILYA KUNDI NAPAG-AARAL PA ANG KANILANG MGA ANAK.

 

PAGTATAPOS NI BULAN, “KAHIT HANGGANG DISYEMBRE MAN LANG MAIHANDA LANG NAMIN ANG AMING BUHAY. HINDI YUNG GANITO…NAUUBOS NA RIN ANG PISI KO PANGGASTOS SA MGA TAUHAN KO SA JUNKSHOP. KUNG AKO NAHIHIRAPAN MAS LALO NA YUNG MGA TAONG NABUBUHAY LANG TALAGA SA PANGANGALAKAL.”

ISANG KATANUNGAN NAMAN ANG INIWAN NI ENGR. LOUIE SABATER, PLANNING OFFICER NG ENVIRONMENT PROTECTION AND WASTE MANAGEMENT DEPARTMENT, QUEZON CITY GOVERNMENT, “BAKIT NILA IPINASARA ANG PAYATAS SANITARY LANDFILL SAMANTALANG MAS MAAYOS NAMAN DITO KAYSA SA SITWASYON SA MONTALBAN AT NAVOTAS DUMPSITE.”

 

AYON SA TEXT MESSAGE NI BARANGAY SECRETARY BHABES OCAMPO, BASE SA DATOS NG PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY (PSA) NOONG 2015, ANG KABUUANG POPULASYON NG BARANGAY PAYATAS AY NASA 133,000. SAMANTALANG ANG MGA BOTANTE NAMAN AY NASA 55,985.

INAASAHAN NAMAN NA BUKAS, AGOSTO 30 AY MAGKAKAROON NG DAYALOGO SA PAGITAN NG MGA HAULERS, JUNKSHOP OWNERS, MANGANGALAKAL, MANGANGALAHIG AT MGA OPISYAL NG DENR.

 

WALA NAMAN UMANONG MAISAGOT SI QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE SA USAPING ITO NG PAYATAS SANITARY LANDFILL DAHIL HINDI UMANO SYA ISINASAMA SA MGA PAGPUPULONG KAUGNAY DITO. SUBALIT ANIYA, MARAMING MGA RESIDENTE ANG NAGAGALIT SA NANGYARI AT MALAKING TANONG SA KANILA KUNG ANO ANG PLANO NGAYON NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG LUNGSOD QUEZON.

 

WALA NAMANG NAKUHANG KASAGUTAN SA PANIG NI MAYOR HERBERT BAUTISTA KAUGNAY SA USAPIN. TANGING PAGHINGI NG EXTENSION NA MABUKSAN ANG PAYATAS SANITARY LANDFILL ANG KANYANG ISINASAGOT AT UMAAKSIYON NAMAN UMANO ANG KANILANG TANGGAPAN SA MGA PROBLEMA HINGGIL SA BASURA. BAGAMAN AMINADO SYA NA BATID NYANG PANSAMANTALANG ITINATAPON NG MGA HAULERS ANG MGA NAHAHAKOT NA BASURA SA KANI-KANIYANG LUGAR NG JUNKSHOP NA NAGDUDULOT NGAYON NG TUMITINDING BAHO SA KAHABAAN NG LITEX ROAD PAPASOK NG PAYATAS SANITARY LANDFILL. (Cathy Cruz)

(Photo source: Rey Palacio, EMB-DENR and Engr. Louie Sabater, EPWMD, QC)

NO COMMENTS