Feature Articles:

BRICS kalutasan sa posibleng WWW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....

On Commemorating the First Kamikaze Flights in Mabalacat

“A grave insult to our nation and the victims...

Lina’s Town Rises Again GAGAMITING BABASAHIN NI LOLA BASYANG

OHANASHI2.png
Monsanto Philippines Corporate Communications Lead Charina Garrido-Ocampo turned-over the kiddie book entitled “Lina’s Town Rises Again” with the Phillippine Ohanashi Caravan Ayako K. Malicdem, Project Director (center) April Mael P. Caserial, Project Coordinator (left) and Yolanda P. Caserial, Family Federation for World Peace Coordinator (right). (Picture below: April Mael Caserial in one of story-telling session in Sitio Ibaba court, Barangay Bahay Toro, Project 8, Quezon City.

MALA-“Lola Basyang” ang ginagawa ng Philippine Ohanashi Caravan ngayon sa maraming barangay sa Metro Manila. Ang nasabing Gawain ay pinangungunahan ng Women’s Federation for World Peace Philippines na nagmula pa sa Bansang Hapon. Layunin nitong tulungan ang mga batang kalye, mahihirap, out-of-school youth upang maituro ang tamang kaisipan, kalinisan,  at magandang asal. Gamit ang iba’t-ibang librong pambata na nasa wikang ingles ay tinuturuan din silang magbasa at maunawaan ang aral na inihahatid ng librong pambata.

Ang “story-telling” ay una nang ginawa sa Japan maraming dekada na ang nakaraan, una itong isinagawa ni Yoshiko Hamashima, ang Founder ng Tendo Ohanashi Caravan.

Sa karanasan nina Ayako Malicdem at ang mag-inang Caserial naging mabisang paraan ang pagkukuwento sa mga batang mahihirap na kapos sa pagkain, kaalaman at pagmamahal dahil Nakita nilang dahan-dahan ay nababago nito ang ugali ng mga bata patungo sa paggawa ng kabutihan, na magiging daan upang matututong magbasa at makaunawa.

Kung ang mga batang natututo magbasa at nagkakaroon ng mabuting asal, ang mga batang na huhubog ng susunod henerasyon ay magpapalaganap ng kapayapaan hindi lamang sa bansang Japan at Pilipinas kundi sa buong mundo, pagtatapos ni Ayako Malicdem, Project Director ng Philippine Ohanashi Caravan.

Sa pamamagitan ng may akda ng Lina’s Town Rises Again na si Charina Garrido-Ocampo, Monsanto Corporate Communications Lead, ay nagkalooban naman ng librong pambata at gamit pang-eskuwela sa Philippine Ohanashi Caravan.

Ayon kay Yolanda Caserial, Coordinator ng Family Federation for World Peace, napakahalaga ng librong pambata na binigay ng Monsanto Philippines dahil ito ang kauna-unahang librong magagamit nila na akda ng isang Pilipino bukod pa sa ang nasabing kuwento ay hango sa tunay na buhay ng isang magsasaka sa Mindanao na umangat ang buhay matapos ang isang kalamidad sa kanilang lugar sa Sultan Kudarat dahil sa BT corn seed na itinanim nito. Ang lahat umano ng librong kasalukuyan nilang ginagamit sa pagsasalaysay ay isang kathang-isip subalit pawang nagbibigay-aral sa mga batang kanilang tinuturuan.

Nagpahayag naman ang  Monsanto Philippines ng pagtulong sa nasabing samahan upang palaganapin ang kabutihan ng siyensya sa agrikultura upang makamtan ang sapat na pagkain at mapaunlad ang pamumuhay lalo na ng mga magsasaka sa bansa. Dagdag ni Gng. Chat Ocampo, ang Lina’s Town Rises Again ay hindi lamang isang kuwento ng isang pamilyang magsasaka sa Mindanao na nakaahon sa hirap dulot ng bagyo dahil sa nasirang pananim kundi ang aral ng pananalig sa Diyos, pagtulong sa kapwa, pagtitiis at pagpupunyagi sa buhay. Naniniwala rin si Ocampo, isang Journalism Cum Laude sa Yunibersidad ng Pilipinas-Diliman na ang “Story-telling” ay isang napakabisang paraan upang magbigay gabay at maitaas ang antas ng kaalaman ng mga kabataan kaya naniniwala sya na mapagtatagumpayan ng Philippine Ohanashi Caravan ang kanilang mga layunin at misyon sa Pilipinas. (Cathy Cruz)

Latest

BRICS kalutasan sa posibleng WWW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....

EdgePoint Philippines Secures Over 400 New Tenancies

Accelerates National Connectivity Initiatives in the Philippines  Milestone demonstrates the effectiveness...

On Commemorating the First Kamikaze Flights in Mabalacat

“A grave insult to our nation and the victims...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Mga nanalong Miss Asia Pacific International 2024 bumisita sa Tinapayan Festival

Pumasyal ang mga nagwagi sa patimpalak ng Miss Asia...
spot_imgspot_img

BRICS kalutasan sa posibleng WWW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling linggo ng Oktubre, maraming mga pagsusuring nagawa tungkol sa mga kaganapan sa mundo na nagpapahiwatig...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty. Persida Acosta ang matagal nang kasunduan o Memorandum of Agreement ang National Press Club at...

EdgePoint Philippines Secures Over 400 New Tenancies

Accelerates National Connectivity Initiatives in the Philippines  Milestone demonstrates the effectiveness of the Common Tower Policy and underscores EdgePoint’s commitment to bolstering digital access nationwide. Manila, 28...