Feature Articles:

CREDIT CARD FACILITY PARA SA MGA MAGMAMAIS SA BANSANG PILIPINAS, INILUNSAD

Hawak nina Perlie Joy Paredes at Gerald Tupaz ang DEKALB MLITE credit card na inilunsad para sa mga magmamais. (L-R) Kasama sina Monsanto Philippines Marketing Lead Pamela Faye Mallari, Model Agro Sales CEO Delson Sonza, Monsanto Philippines CEO Rachel Lomibao, at iba pang Monsanto Executive. (3rd from right) Metrobank VP/Head of Product Development Roseanne Tan kasama rin ang iba pang Metrobank Executives.
 BINIGYANG lutas na ng Monsanto ang isa sa matinding suliranin ng mga magsasaka sa Pilipinas, ito ay ang kawalan o kakulangan ng kapital ng mga magmamais.

Una nang inilunsad ng Monsanto at Metrobank sa ating bansa ang Dekalb MLite upang bigyan ng mababang pautang sa loob na apat na buwan ang mga magsasakang magmamais.

Ang credit card facility ay magagamit lamang ng mga biniyayaang magsasaka ng mais sa pambili ng kanilang mga binhi, abono at iba pang kakailanganin nila sa pagtatanim ng kanilang BT corn.

Kailangan lamang na mag-apply ng Dekalb MLite sa alinmang Metrobank Branch sa inyong lugar. Ang credit card ay pautang na may 5.5 porsiyentong interes na babayaran sa loob ng 4 na buwan. Walang kolateral na kailangan. Magsumite lamang ng valid id at rekomendasyon ng binibilhang distributor o dealer ng Monsanto Products.

Mula Php 10,000.00 hanggang 10 milyong piso ang maaaring ipagkaloob na credit limit ng Dekalb MLite. Nasa Php 52,000.00 hanggang Php 55,000.00 kada ektarya ang inaasahang credit card limit ng mga maaprubahang magsasaka ng mais na suki na ng Monsanto.

Matatandaan na ang Pilipinas ay isa lamang sa mga bansang may presensya ang kumpanya ng Monsanto sa Timog Silangang Asya (Southeast Asia) na kinabibilangan din ng bansang Australia, China, India, Indonesia, Japan, New Zealand, Pilipinas, South Korea at Vietnam.

Ang Dekalb Mlite credit card facility ay maari rin ilunsad sa iba pang bansa sa Timog Silangang Asya kung matagumpay ang kahihinatnan nito sa mga magsasakang pinagkalooban sa Pilipinas.

Ayon sa pag-aaral, ang bansang Pilipinas ay 60% ng mga magmamais ang umaasa sa mga nagpapautang sa maikling panahon at hindi nangangailangan ng kolateral ngunit nagpapataw ng malaking interes.

Dahil dito, hindi maiwasang ilahad ni Rachel Lomibao, CEO ng Monsanto Philippines at na maala-ala nya ang kanyang karanasan bilang isang probinsya na isinilang at lumaki sa isang pamilya ng magsasaka mula sa lalawigan ng Pangasinan.

Saksi siya at naging karanasan ng kanyang pamilya ang kakulangan ng puhunan ng isang magsasaka upang makapagtanim mula pa lamang sa paghahanda ng lupa hanggang sa pag-ani ng pananim. Sa madaling salita ay gumagastos na umano ang isang magsasaka bago pa man ito tuluyang mapakinabangan.

Nasubaybayan din nya na mula sa dating tabakuan ay naging maisan ang kanyang sinilangang bayan sa Pangasinan.

Kaya naman ninais ng kauna-unahan ding Pilipinang CEO ng Monsanto Philippines, nagtapos sa UP Los Baños, at dati ring nagtrabaho sa SEARCA, na magkaroon ng kakayahan ang mga magsasaka na mamuhunan o magkaroon ng sariling negosyo at hindi na mabaon sa utang upang makapagtanim lamang.

Paniniwala naman si Lomibao na ang pagkakaisa ng Monsanto at Metrobank ay magmumulat sa iba pang commercial banks na pagtuunang mamuhunan rin sa larangan ng agrikultura hindi lamang upang magpautang kundi maging sa pagpapaunlad ng  imprastraktura gaya ng post-harvest facilities at farm mechanization technologies.

Una nang nabigyan ng Metrobank ang Model Agro Sales sa katauhan ni Delson Sonza na mula sa Panay Island na nasa rehiyon ng Visayas. Ang Model Agro Sales ay naging malaking bahagi ng pag-unlad ng industriya ng hybrid corn na nagpatatag din sa mga feed millers sa nabanggit na lugar.

Asahan ng mga magmamais sa iba’t-ibang dako ng bansa na mabibiyayayan din sila ng Dekalb MLite bilang pambansang programa ng dalawang matatatag na kumpanya sa larangan ng agrikultura at pananalapi. (Cathy Cruz)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...