Feature Articles:

QC PABOR SA CAR POOLING PARA MAPALUWAG ANG TRAPIKO

HINIHIKAYAT ng Quezon City government ang bawat motorist at mananakay na makibahagi sa sistema ng “carpooling” upang maibsan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

 

Ayon kay City Administrator Aldrin Cuña, mayroong mga kalsada na sa ngayon ay pinalalaki at inaayos ng QC government ngunit hindi ito sasapat upang solusyunan ang malaking problema sa trapiko.

 

Sinabi ni Cuña na isa ang carpooling sa posibleng solusyon upang maibsan ang siksikan sa kalsada dahil sa dami ng bilang ng sasakyan sa daan.

 

Naniniwala rin ang city administrator na ang pagkakaroon ng disiplina ang unang sagot sa problemang kinakaharap ng bansa sa trapiko.

 

“Isa lang naman ang ipinapakiusap ng pamahalaan sa ngayon – ang disiplina sa lansangan para maayos ang daloy ng trapiko. Disiplina lang naman ang kailangan ngating bansa para maayos tayo,” he added.

 

Sinabi rin ni Cuña na maaring maging daan sa paglago ng ekonomiya ng QC at pagdami ng negosyanteng papasok sa lungsod ang pagkakaroon ng maayos na trapiko.

 

Una dito, nagpatupad ng night shift duty para sa mga traffic enforcer ang Department of Public Order and Safety (DPOS) upang tumulong sa MMDA constables at tropa ng PNP Highway Patrol  sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko.

 

Pinaigting na rin ng DPOS ang pagpapatupad ng patakarang di-pagbibigay ng permiso sa burol, karaoke session at livelihood activities sa secondary roads upang hindi pansamantang maisara ang mga ito. # (ARES P. GUTIERREZ, Chief, PAISO)

 

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...