Feature Articles:

Libreng workshop sa 2nd Philippine International Copyright Summit, mga artista hinimok na lumahok

Sa pagbubukas ngayon ng pinakahihintay na 2nd Philippine International...

Asia CEO Awards Adds USANA Philippines to Their Circle of Excellence

USANA Health Sciences, Inc. and its Philippines market were...

Bumaba ang satisfaction at trust rating ni VP Sara Duterte matapos ang kamakailang Press Con –Tangere Survey

Bumaba ang satisfaction rating ng Pangalawang Pangulong Sara Duterte...

RELOKASYON NG QC INFORMAL SETTLERS NAGSIMULA NA

Sinimulan na ng Quezon City government ang paglilipat ng mga informal settlers.

Kabilang sa mga unang inilipat ng tirahan ang mga informal settlers mula sa  Kalye 6 at 7 sa Barangay Mariana.

Umupa na ng shuttle bus ang local na pamahalaan, sa utos ni Mayor Herbert Bautista, para ilipat sila sa housing project ng National Housing Authority (NHA) sa Southville 8, barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Bilang dagdag na tulong, siniguro ni Mayor na sasagutin ng pamahalaan ng QC ang bayad sa sub-electric meters na tinatayang P1,000 per family connection.

Sinisikap ni Bautista na maging magkakatabi ng tirahan ang mga magkakapitbahay sa lilipatan nilang lugar upang hindi naman sila manibago.

Tinatayang nasa 1,500 mahihirap na pamilya, lalo na yaong naninirahan sa mga sinasabing danger zones at high risk areas, ang maililipat bago magsimula ang pasukan sa Hunyo.

Ang mga naninirahan sa sidewalks at road right-of-way sa Barangay Santol, South Triangle at Central, kabilang na sa mga daang tubig sa Barangay Damayang Lagi at Tatalon ang unang inalok sa relocation program ng pamahalaan ng QC.

Maging ang mga mahihirap na pamilya sa may BIR Road na nasunugan kamakailan ay inalok din ng relocation slots sa NHA resettlement project.

Bago ang pagpapatupad ng mass relocation program ng Quezon City, nagsagawa ng dialogue ang socialized housing task force na pinamumunuan ni Secretary to the mayor Tadeo Palma sa may 142 barangay ng siyudad upang masigurong magiging maayos ang clearing operations.

Kabilang sa mga inimbitahan sa isinagawang consultative meeting ay ang mga kinatawan ng Simbahan para masolusyunan ang socialized housing program ng lungsod.

“The problem of poverty and informal settlers in Quezon City is huge. But, we can help make this challenge manageable through the pathways of collaboration and teamwork among ourselves,” ani Bautista.

Ayon kay Ramon Asprer, hepe ng QC urban poor affairs office, nasa 28,731 ang informal settler families na naninirahan sa mga danger areas sa QC. -30- Divine/ Maureen Quinones, PAISO

Latest

Libreng workshop sa 2nd Philippine International Copyright Summit, mga artista hinimok na lumahok

Sa pagbubukas ngayon ng pinakahihintay na 2nd Philippine International...

Asia CEO Awards Adds USANA Philippines to Their Circle of Excellence

USANA Health Sciences, Inc. and its Philippines market were...

Bumaba ang satisfaction at trust rating ni VP Sara Duterte matapos ang kamakailang Press Con –Tangere Survey

Bumaba ang satisfaction rating ng Pangalawang Pangulong Sara Duterte...

Pag-amyenda ng economic provision suportado ng 61.9% Pinoy

Malaking pagtaas ng suporta ng maraming Pilipino mula noong...

Newsletter

spot_img

Don't miss

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong...
spot_imgspot_img

Libreng workshop sa 2nd Philippine International Copyright Summit, mga artista hinimok na lumahok

Sa pagbubukas ngayon ng pinakahihintay na 2nd Philippine International Copyright Summit, nanawagan ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) sa mga kalahok na...

Asia CEO Awards Adds USANA Philippines to Their Circle of Excellence

USANA Health Sciences, Inc. and its Philippines market were recently added to the illustrious Circle of Excellence from the Asia CEO Awards. The Circle...

Bumaba ang satisfaction at trust rating ni VP Sara Duterte matapos ang kamakailang Press Con –Tangere Survey

Bumaba ang satisfaction rating ng Pangalawang Pangulong Sara Duterte sa kamakailang survey na isinagawa ng Tangere mula 48.70% hanggang 48.00%, mas mababa ito sa...