Feature Articles:

QC TREASURER EDGARDO VILLANUEVA NAGPAALALA SA DEADLINE NG PAGBABAYAD NG REAL PROPERTY TAX

IBIG paalalahanan ni Quezon City Treasurer Edgardo Villanueva ang mga ‘taxpayer’ sa Lungsod Quezon na ‘deadline’ na ng pagbabayad bukas Marso 31, 2011 ng “Real Property Tax” upang maiwasan umano ang karagdagang pagbabayad o pagpapataw ng dagdag na interes at ‘penalty’ ng mga residente ng nasabing lungsod.

Sa ating panayam kay Treasurer Villanueva na di tulad ng ‘business tax’ na ‘flexible’  umano ito depende sa nakikitang resulta ng bilang ng mga nagsisipagbayad ng ‘business tax’ kung saan ay puwede nya itong irekomenda at hilingin sa lokal na konseho na magpasa ng ordinansa upang magbigay ng ‘extension’ sa mga negosyante upang magkaroon ng pagkakataong makapagbayad ng kanilang buwis ng kani-kanilang negosyo. Di tulad umano ng ‘Real Property Tax’ na ang tanging puwedeng maging dahilan aniya na magbigay ng ‘extension’ ay kung may ‘national emergency o calamity’ na deklarado ng Pangulo ng bansa.

Samantala, binanggit din ni City Treasurer Ed Villanueva na sinuspinde nya ang pagbibigay ng sertipikasyon sa mga negosyanteng makinabang sa tinatawag na BMBE Law dahil naging kapansin-pansin ang pag-abuso ng ilang mga negosyante sa lungsod.

Malaki umano ang nagiging epekto ng 5% bawas sa pagbabayad ng buwis sa lokal na pamahalaan gayudin sa BIR. Dagdag pa ni Villanueva na buhat nitong enero hanggang sa kasalukuyan ay tatlo (3) pa lamang ang mapalad na nakapasa sa maraming negosyante sa Lungsod Quezon na dati-rating nakinabang ng BMBE Law.

Panawagan nga ni Villanueva na huwag naman abusuhin ng ating mga kababayang negosyante sa lungsod ang mga pribilihiyong ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...