Feature Articles:

Cathy Cruz

Maria Catherine E. Cruz-Suba is a seasoned Filipino media...

PSME, Pinaigting ang pagsusulong ng Nuclear Energy sa ilalim ng “Atoms for Peace” Legacy

Sa layuning tiyakin ang seguridad sa enerhiya at pangmatagalang...

Pasaporteng Maltese ni Teodoro, nagdulot ng pagsisiyasat sa legalidad at seguridad ng bansa

Nahaharap ngayon sa matinding pagsusuri si Defense Secretary Gilberto...

Safeguard duty sa imported na sasakyan, suportado ng DOLE

Nagpahayag ng suporta ang Department of Labor and Employment kaugnay sa pagtatakda ng safeguard duty sa mga imported na passenger at iba pang maliliit na sasakyan upang maprotektahan ang mga manggagawa sa industriya ng automotive.

“Isa itong natatanging hakbangin upang maprotektahan ang ating mga manggagawa at linangin ang kondisyon sa merkado sa naturang industriya na naapektuhan hindi lamang ng pandemya, kung hindi pati na rin dahil sa pagdami ng mga imported na sasakyan,” wika ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Binanggit ni Bello ang datos mula sa Labor Force Survey na nagpapakita ng mga bilang sa trabaho sa sektor ng automotive na bumaba mula sa mataas na antas nitong 109,000 noong 2016 hanggang sa 93,000 nitong 2019. Ito ay sa kabila ng paglago sa merkado ng automotive at bunsod ng mataas na demand sa bansa.

Bilang isang labor-intensive industry, sinabi pa niya na ang potensyal na oportunidad sa trabaho sa industriya ay lubhang mahalaga.

Dagdag pa ni Bello, isa ito sa mga naging konsiderasyon ipang itulak ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS), at kabilang sa mga bagay na nagpakilala rito bilang isa sa Key Employment Generators sa ilalim ng manufacturing industry sa DOLE JobsFit 2022. 

Gayunman, ang potensiyal na ito ay naantala dahil sa dami ng importasyon nitong mga nagdaang taon, ayon pa sa kalihim.

“Ang mabilis na pag-import ng mga sasakyan sa halip na mabuo ito sa sariling bansa ang naglagay rito sa alanganin upang makapagbigay ng malaking kontribusyon sa labor market,” ayon kay Bello.

Sa pamamagitan ng pagtatakda ng Safeguard Duty, wika niya ay, “maaaring humikayat sa iba pang mga kumpanya na pagtuunan ng pansin ang pagdaragdag ng pondo at paglinang ng domestic market, kabilang ang human resources.”

“Ito ay isang malaking hakbangin kasabay ng pagtutulak ng gobyerno upang makabangon sa pamamagitan ng paglinang sa manufacturing resurgence at pagpapaunlad sa workforce,” dagdag pa ni Bello. ### (Information and Publication Service, Department of Labor and Employment)

Latest

Cathy Cruz

Maria Catherine E. Cruz-Suba is a seasoned Filipino media...

PSME, Pinaigting ang pagsusulong ng Nuclear Energy sa ilalim ng “Atoms for Peace” Legacy

Sa layuning tiyakin ang seguridad sa enerhiya at pangmatagalang...

Pasaporteng Maltese ni Teodoro, nagdulot ng pagsisiyasat sa legalidad at seguridad ng bansa

Nahaharap ngayon sa matinding pagsusuri si Defense Secretary Gilberto...

Arbitral Ruling or Economic Ruse? A Deeper Look at the South China Sea Decision

As the Philippines marks the ninth anniversary of the...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

2016 Arbitral Award, kapahamakan hindi tagumpay ng Pilipino

Sa paggunita ng ikasiyam na anibersaryo ng 2016 Arbitral...
spot_imgspot_img

Cathy Cruz

Maria Catherine E. Cruz-Suba is a seasoned Filipino media practitioner, civic leader, and public servant whose dynamic career spans over three decades across government,...

PSME, Pinaigting ang pagsusulong ng Nuclear Energy sa ilalim ng “Atoms for Peace” Legacy

Sa layuning tiyakin ang seguridad sa enerhiya at pangmatagalang kaunlaran, muling pinaigting ng Philippine Society of Mechanical Engineers, sa pamamagitan ng presentasyon ni Engr....

Pasaporteng Maltese ni Teodoro, nagdulot ng pagsisiyasat sa legalidad at seguridad ng bansa

Nahaharap ngayon sa matinding pagsusuri si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. matapos mabunyag na siya ay may hawak na pasaporteng inisyu ng Malta, na...