Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Mga residenteng-benepisyaryo ng Tondo kumita ng P19,000 dahil sa inaning gulay

Ang mga residenteng-benepisyaryo sa 17 barangay sa Tondo na nakapag-ani ng kanilang mga gulay ay kumita ng P19,000.00 sa loob lamang ng dalawang (2) oras, dahil sa pagbebenta ng mahigit sa 600 kilo ng gulay sa presyong may diskwento para sa “pick, harvest, and pay promo na isinagawa sa kauna-unahang urban vegetable garden Harvest Festival.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng proyektong “Buhay sa Gulay”, sa pakikipagtulungan sa Don Bosco Parish, Department of Agriculture (DA), at lokal na pamahalaan ng Maynila.

Mahigit sa 8,000 metro-kwadradong nakatiwangwang na soccer field na pinamamahalaanan ng St. John Bosco sa Tondo, Maynila, ay ginawang urban vegetable garden, at pinakinabangan ng mga pamilya at residente ng 17 barangay na nasasakupan ng Parokya, upang mabawasan ang epekto ng pandemya  sa ekonomiya at kalusugan ng mga mamamayan sa naturang lugar.

“Kapag nagtutulungan at nagkakaisa ang mga mamamayan, ang pamahalaan at ang simbahan, ay siguradong magkakaroon ng isang produktibong programa na magpapaunlad sa pamayanan,” sabi ni DAR Secretary Brother John R. Castriciones sa pagdaraos ng Buhay Sa Gulay Harvest Festival.

Sinabi niya na ipinamalas ng Buhay sa Gulay Harvest Festival ang sama-samang pagsusumikap ng mga  ahensya ng lokal at pambansang pamahalaan upang magkaroon ng mga produktong pangsakahan sa siyudad sa pamamagitan ng dedikasyon, pangako at kasipagan na ipinagkaloob ng mga farmer-scientists mula sa Cavite at ng mga urban farmers ng Tondo.

“Ang mamamayan po ng Tondo ay maaari nang mag-ani ng gulay mula sa lupang ipinahiram ng simbahan at bayaran ng diretso ang mga produktong kanilang naani. Hindi na nila kailangang pumunta sa palengke daahil sariwang-sariwa ang mga gulay na kanilang maaani.dito. Siguradong magiging masigla at malusog ang pangangatawan ng mga mamamayan dito,” sabi pa ni Brother John.

Binigyang diin ni Castriciones na ngayong panahon ng pandemya, ang mga Filipino ay kailangan magkaisa at magtulungan, hindi lamang upang malabanan ang negatibong epekto ng COVID-19 sa bansa kung hindi upang manumbalik ang mga mamamayan sa gawaing pagsasaka.

Isiniwalat niya na bukod sa Tondo, ang iba pang mga LGU sa Metro Manila ay susunod na rin sa pagtatatag ng kanilang sariling urban vegetable garden, tulad ng Quezon City at Caloocan City.

“Sa pamamagitan ng pagsasaka, ang mga mamamayan ng siyudad ay hindi na kailangan umasa sa ibang lalawigan para sa suplay ng mga gulay,” dagdag pa niya.

Si Josefina C. Tandog, 65 taong gulang, at Chairman of Brgy. 109, District 1 of Tondo ay nagsabi: “Mahalaga ang gulay sa ating buhay dahil ito ang nagbibigay sustansya sa ating katawan.”

Sinabi niya na sila ay nakapagtanim at nakapag-ani ng spinach, pechay, kangkong at mustasa sa nasabing hardin ng gulay, kung saan ayon sa kanya, ang presyo ng spinach, mustasa at pechay ay P30 bawat kilo, habang ang kangkong ay 50 piso bawat kilo lamang. (Public Assistance and Media Relations Service, Department of Agrarian Reform)

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...