Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nakatakdang simulan ang Step 1 of the registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) sa 12 Oktubre 2020 sa 32 probinsa sa bansa.
Titiyakin ang health and safety protocols ng mga PSA enumerator registration officer sa pagbahay-bahay upang makakuha ng demographic information ng mga piling low-income household heads mula sa 32 uunahing lalawigan sa taong ito.
Ang mga lalawigan ay kinabibilangan ng:
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Cagayan
- Isabela
- Bataan
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Tarlac
- Zambales
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Quezon
- Rizal
- Albay
- Camarines Sur
- Masbate
- Antique
- Capiz
- Iloilo
- Negros Occidental
- Bohol
- Cebu
- Negros Oriental
- Davao De Oro
- Davao del Norte
- Davao del Sur
- Davao Occidental
- Leyte
- Tawi-tawi
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, lahat ay ire-rehistro. Uunahin lamang ang mga low-income households upang maisaayos at mapadali ang tulong ng pamahalaan. Magsisimula sa mga lalawigang na may humigit kumulang na mababa sa 40 porsiyento ng populasyon na may mababang kita o income.
Dahil sa pandemya ng CoViD19, sa halip na personal na magpapatala ang mamamayan ay magsasagawa ang PSA ng 3 hakbang para sa pagsasakatuparan ng National ID.
Step 1- Registration Phase:
Ayon kay Assistant Secretary Rosalinda P. Bautista, Deputy National Statistician of the PhilSys Registry Office (PRO), ang unang hakbang ng PhilSys registration ay ang collection of demographic data, such as name, permanent address, date and place of birth, and blood type ng target registrant.
Ang PSA enumerators na magbahay-bahay ay itinatala ito sa pamamagitan ng dala nila digital tablets. Ang impormasyon ay ipapadala sa isang secured PhilSys database.
Tinitiyak na pagpapatupad ng Health protocols sa panahon ng isasagawang registration process upang wala mapinsala sinuman.
Step 2- Biometrics on designated registration site
Magbibigay ng appointment slip sa mga naitala na at abangan ang ikalawang paraan ng pagpapatala, ang biometrics na gagawin sa registration site na itatakda PSA.
Step 3- Issuance of Phil PhilSys Numbers (PSNs) and physical IDs to the registrants.