September 1, 2018 – INILUNSAD ang isang bagong Partido na Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) na binubuo ng mga bagong mukha sa larangan ng pulitika ngunit kilala na at ginagalang sa kanilang kinabibilangang propesyon sa bansa.
Batay sa 10 pahinang COMELEC Resolution No. 10411 na inilabas nitong July 31, 2018 isa ang Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) ay kabilang sa 46 na Partido Politikal na kinilala ng Commission on Elections (COMELEC) sa ilalim ng National Constituency.
Ayon kay Dr. Ricardo D. Fulgencio IV, Secretary General ng KDP “sa pagkakataong ito, may pagpipilian na ang taumbayan… bagaman hindi mga tradisyonal na pulitiko ang mga kasama sa KDP sila ay sigurado namang walang bahid ng korapsyon o kinasasangkutang illegal na gawain… KDP is a party of principle, not of convenience; a party of ideas and not of personalities.”
Sa inilabas na tatlong pangunahing isyu na nilalabanan ng KDP ay ang katiwalian sa eleksyon gamit ang Smartmatic, pagsuporta kay PAO Chief Persida Acosta laban sa mga sangkot sa katiwalian at pagkamatay ng maraming bata dahil sa dengvaxia, at ang pagtutol sa patuloy na pagtaas ng halaga ng kuryente, tubig at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay ng maayos.
“Kailangang magdeklara ng ating Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘State of Emergency’ sa enerhiya dahil hirap na hirap na ang mamamayan sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, kuryente, tubig at pagkain!”, mariing binanggit ni dating Department of Education Undersecretary Butch Valdes.
Aniya, “nagagamit ng mga kalaban ni Pangulong Duterte ang nararanasan ngayon ng mga Pilipino na mataas na bilihin. Natitiyak ko na malalabanan ni Digong ito kung magdedeklara sya ng State of Emergency sa Enerhiya… magdeklara sya ng 50% discount sa bill ng kuryente ng lahat household at nagnenegosyo. Kung gagawin nya ito ay maraming matutuwang pamilya dahil imbes na ibayad sa kuryente ay magagamit nila pambili ng mahusay na pagkain para sa pamilya.”
Paliwanag ng KDP Chairman na si Valdes, hindi ang gobyerno umano ang masasaktan o malulugi sa gagawing discount kundi ang mga oligarko. Dagdag pa ng CPA na si Valdes, na umaabot sa halos 300% ang kinikita ng mga oligarko o negosyante sa kuryente at tubig kaya kahit magpataw umano ng discount ay may kita pa rin ang mga negosyanteng ito.
“Hindi malayo na dahil sa ganitong desisyon na gagawin ng Pangulo ay may mga oligarkong mag-isip na patayin sya… sakaling mangyari ito, ang taumbayan ay aalsa laban sa mga oligarkong ito at handa ring silang patayin dahil buhay na natin ang ipinagtatanggol ni Duterte sa pagkakataong ito”, pagtatapos ni Butch Valdes. # (KDP Communication Group)