Matapos ang maraming pag-aaral at masusing pagpaplano, pormal nang ipinakilala ng Monsanto Philippines ang pinakabago nitong produkto, ang DEKALB 6999S sa ‘media launch’ noong Abril 17 sa Sulo Hotel, Quezon City.
Ang DEKALB 6999S o ang Hybrid na tinaguriang “Kitang Kita ang Kita”, ay nagpakita ng mas mataas na shelling recovery ng mga punla, pagiging mas matibay at matatag, at mas magandang kalidad ng mga butil na mga katangiang hinahanap ng mga magsasaka sa pagpili ng kanilang mga pananim.
Isa pa sa mga nagpapahusay sa DEKALB 6999S ay ang Genuity, isa sa mga katangian na binibigay ng Mosanto sa mga punla upang ito ay maprotektahan mula sa mga iba’t ibang peste tulad ng corn borers, earworms, cutworms, at iba pa. Ito rin ay itinuturing na Round Up Ready o protektado na laban sa mga masasamang damo.
Kapag natanim na sa isang magandang kondisyon ang nasabing punla at ginawa ang pinakamahusay na ‘agronomic practices’, inaasahan na maaaring makapag-ani ng hanggang 13 Metriko Tonelada sa bawat ektarya ng lupang sakahan, malayo sa 4 na MT/HA na naibibigay ng isang normal na punla. Sa ganitong sitwasyon, inaasahan na makakamit ang nais ng Department of Agriculture na isang self-sufficient na produksiyon ng mais sa bansa .
“Nakita ko ang pagkakaiba ng DEKALB 6999S Genuity 5% RIB sa ibang binhi. Malalaki ang puno, malalaki ang bunga, halos doble ang bunga kada puno at matibay sa mga sakit ng mais, Talagang Kitang Kita ang Kita!” ani Lydia Lapastora, matagal nang tagapagtanim ng mais.
Ayon pa sa salaysay ni Federico Salvador, magsasaka sa Central Luzon, ang DEKALB 6999S ay “matibay sa hangin at hindi agad natutumba. Malaki ang bunga at puno hanggang dulo”.
Sa isang panayam kay Pam Mallari-Valenzuela, Marketing Lead ng Monsanto sa Pilipinas, Thailand at Indonesia, ang DEKALB 6999S ay binebenta na sa Luzon. Ayon pa kay Valenzuela ay magiliw na ibinabahagi ng mga magsasaka ang magandang epekto ng kanilang produkto at kung paano nito maaring mabago ang kabuuang ani ng mga lugar na kanilang sinusubaybayan.
“We definitely want farmers to be successful because when they are, we are also successful,” pagtatapos ni Valenzuela. (Aljhon Amante)